PAGASA opisyal nang idineklara ang ‘rainy season’
TAG-ULAN na mga ka-BANDERA!
‘Yan ang opisyal na anunsyo ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) kahapon, May 29, sa ating bansa.
Kaya naman, paalala lang –huwag niyong kalimutang magdala lagi ng payong at kapote bilang mapapadalas na ang pagbuhos ng ulan.
“The occurrence of scattered rain showers, frequent thunderstorms, the passage of Typhoon Aghon, and the Southwest Monsoon (Habagat) over the past few days have brought significant rains over the western sections of Luzon and Visayas signifies the start of the rainy season in the country,” sey ng weather bureau sa inilabas na press release.
Dagdag pa, “Moreover, the high chance of La Niña conditions to develop by the July-August-September period increases the likelihood of above-normal rainfall conditions in some areas of the country, especially towards the end of the year.”
“Pagasa will continue to monitor the country’s weather and climate situation. The public and all concerned agencies are advised to take precautionary measures against the adverse impacts of the rainy season, Habagat, and the impending La Niña, such as floods and rain-induced landslides,” lahad ng ahensya.
Nagpaalala rin ang PAGASA na ang mga pag-ulan ay posibleng masundan umano ng mga panandaliang tagtuyo o ‘yung tinatawag na “monsoon break.”
Para sa kaalaman ng marami, ang mga ganitong klaseng “breaks” ay nagtatagal ng ilang araw o ilang linggo, kaya asahan pa rin ang panandaliang mainit na panahon.
Samantala, recently lamang ay nagbabala ang weather specialist na si Benison Estareja sa pamamagitan ng isang advisory na may binabantayan silang “cloud clusters” o kumpol-kumpol na mga kaulapan sa pagitan ng West Philippine Sea at South China Sea.
“Mayroon po tayong namo-monitor na cloud cluster o kumpol ng ulap dito po sa pagitan ng West Philippine Sea and South China Sea,” saad niya.
Ani pa niya, “Mino-monitor natin ito dahil posible itong maging low pressure area (LPA) sa mga susunod na araw.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.