Yen hugot na hugot sa love advice ni Heart, patama kay Paolo?

Yen Santos hugot na hugot sa love advice ni Heart, patama kay Paolo?

Ervin Santiago - May 27, 2024 - 12:35 AM

Yen Santos hugot na hugot sa love advice ni Heart, patama kay Paolo?

Paolo Contis at Yen Santos

PARA nga kaya sa Kapuso actor at TV host na si Paolo Contis ang latest “hugot” ni Yen Santos tungkol sa usaping self-love?

Mainit na pinag-uusapan ngayon ng mga Marites sa social media ang ipinost ni Yen sa kanyang Instagram Stories kamakailan na tila may konek sa relasyon nila ni Paolo.

Ni-repost kasi ng aktres ang isang video clip na kuha sa interview ng Kapuso star at fashion icon na si Heart Evangelista sa “Fast Talk With Boy Abunda.”

Baka Bet Mo: Paolo Contis napikon nang mausisa ang pagpapadala ni Yen ng kaldereta: Bash sila nang bash!

Tinanong ng host ng programa na si Boy Abunda kung ano ang maibibigay na advice ni Heart sa kanyang younger self.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Sagot ng misis ni Sen. ChizEscudero, “If I were to speak to who I was before, I would say, stop giving away your heart like it’s candy.

“Treasure yourself. Love yourself. Treasure your heart and your soul. Because that’s what’s gonna save you in the end,” ang pahayag pa ni Heart.

Walang caption na isinulat si Yen sa kanyang IG post, pero naka-tag doon ang username na @riverayanna pero samu’t saring reaksyon nga ang nabasa namin mula sa netizens.

Baka Bet Mo: Lolit Solis sa ‘relasyon’ nina Paolo at Yen: Basta walang nasaktan at natapakan, go go be happy!

Karamihan sa mga nagkomento ay naniniwalang may koneksyon ang post ni Yen sa chikang break na sila ni Paolo tulad ng matagal nang napapabalita.

Matatandaang noong May 6 nagsimulang kumalat ang balita na may pinagdaraanan sina Yen at Paolo sa kanilang relasyon matapos i-unfollow ng aktres ang Kapuso star sa Instagram.

Sumunod dito ang pagbura ni Yen sa photo at video message niya para sa 40th birthday ni Paolo sa IG last March. Mensahe ni Yen sa caption, “Screaming happy 40th birthday to my best friend! (woman and mam holding hands emoji).

“Thank you for everything you do. (heart emoji),” dugtong pa niya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Sa isang panayam kay Paolo noong May 6, natanong siya tungkol dito, “Totoo bang break na kayo ni Yen?”

“No comment. Libre naman magtanong, pero yun ang sagot ko, no comment,” ang sagot daw ni Paolo.

“As I always say, masyado na kayong maraming alam sa buhay ko. So, I’d like to keep my personal life, personal,” aniya pa.

Noong January, 2023, nagsalita sa kauna-unahang pagkakataon si Paolo sa “Fast Talk With Boy Abunda” tungkol sa relasyon nila ni Yen, “Sa amin kasi, kumbaga, what you see is what you get na naman, di ba?

“Hindi na namin puwedeng ipilit yung tao to be happy for us. Hindi namin puwede ipilit yung mga tao na paniwalaan yung gusto nilang paniwalaan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Sana isipin lang nila na kung ano lang yung nakikita nila na naka-post, yun lang yung truth na alam nila,” sabi ng aktor.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending