Bryan Dy ng Mentorque 4 movie ang gagawin sa loob ng 1 taon

Bryan Dy ng Mentorque 4 na pelikula ang gagawin sa loob ng 1 taon

Ervin Santiago - May 23, 2024 - 02:43 PM

Bryan Dy ng Mentorque 4 na pelikula ang gagawin sa loob ng 1 taon

Bryan Dy, Piolo Pascual at Vilma Santos

NAKAPILI na ng cast at direktor ang Mentorque Productions na pag-aari ng young film producer na si Bryan Dy para sa pelikulang “Biringan.”

Iyan ang kinumpirma ni Bryan nang makachikahan siya ng mga officer at members ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) kamakailan. Ito ang ilalaban nila para sa Metro Manila Film Festival 2024.

In fairness, talagang desidido ang Mentorque Productions na makatulong sa pagbangon ng industriya ng pelikulang Filipino lalo na ngayong patuloy pa rin ang pagpapalabas ng mga international movies sa bansa.

Baka Bet Mo: ‘Mallari’ ni Piolo Pascual lumebel sa ‘Aquaman’, ‘Wonka’

“The industry is still struggling and our hope is that by creating meaningful films we will be able to help attract more audiences not only here but abroad.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bryan Dy (@mentorque)


“The most important thing for us is to create significant films of the highest quality and bring these out there. It would be a huge boon not only for us but for the whole industry if at least one of these makes it mark globally,” pahayag ni Bryan.

Ang Mentorque Productions ang nasa likod ng matagumpay na horror-thriller film na “Mallari”, ang isa sa mga entry na naging top-grosser sa Metro Manila Film Festival 2023. Ito’y pinagbidahan nina Piolo Pascual, Janella Salvador at JC Santos, mula sa direksyon ni Derick Cabrido.

Ayon pa kay Bryan, apat na pelikula ang nakatakdang gawin ng Mentorque sa loob ng isang taon. Ang kinita raw ng “Mallari” ang paiikutin nila para makapag-produce ng mas marami pang de-kalidad at makabuluhang pelikula.

Baka Bet Mo: Patikim na teaser ng horror movie ni Piolo na ‘Mallari’ trending, dasal ng fans: ‘Mapasama sana sa MMFF 2023!’

Isa na nga riyan ang “Biringan,” “We already have completed the cast, and we already have a director so, hopefully, we will be able to make an announcement about it soon.”

Bukod dito, nasa planning stage na rin ang kanilang “suspense” film na maaaring pagbidahan ni Vilma Santos-Recto. May possible collaboration din sila with Toni Gonzaga, Paul Soriano, Alex Gonzaga at Mikee Morada.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bryan Dy (@mentorque)


Kuwento ni Bryan, “We just had a meeting with her very recently and she is as excited about the project as us.

“We want to make the best films we can. That’s the main thing for us. And we will keep at it. After we’ve finished with the material, it is then and only then, that we will make an announcement,” sey ng batambatang producer.

Aniya pa, “We like what we have achieved with ‘Mallari’ and we will continue doing that. That’s our main thing, to provide quality films that will pique huge interest not only here, among local audiences, but the global stage as well.”

“That’s our core. And we will not compromise,” mariin pa niyang sabi.

Samantala, nagpapasalamat naman si Bryan sa Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) dahil sa ibibigay nitong pagkilala sa Mentorque Productions bilang Rising Producer Of The Year Award sa nalalapit na 7th The EDDYS.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa kanyang Instagram account, nag-post ng mensahe ang producer, “It’s great news for us, of course. It’s a huge honor. It inspires us to create more films, in the process creating more opportunities for many in the industry.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending