Ate Vi gagawa ng movie sa Mentorque ni Bryan Dy

Ate Vi gagawa ng movie sa Mentorque ni Bryan Dy, ilalaban sa MMFF 2024?

Reggee Bonoan - May 20, 2024 - 11:47 AM

Ate Vi gagawa ng movie sa Mentorque ni Bryan Dy, ilalaban sa MMFF 2024?

Bryan Dy, Piolo Pascual, Vilma Santos, Omar Sortijas, Dan Villegas at Antoinette Jadaone

NANG mag-post sa social media ang Mentorque producer na si Bryan Dy na ka-meeting si former Congw. Vilma Santos-Recto ay marami agad ang na-curious at na-excite.

Makikita sa ipinost niyang litrato sa Instagram si Ate Vi kasama pa sina Direk Dan Villegas at Direk Antoinette Jadaone ng Project 8 Projects.

Maraming ang nagtanong kung isasali ba sa 2024 Metro Manila Film Festival ang gagawing project ng Mentorque at ng Project 8 Projects kasama ang Star For All Seasons.

Baka Bet Mo: Piolo best actor sa GMMSF para sa Mallari; Biringan ilalaban sa MMFF 2024

Ang caption na inilagay ni Bryan sa kanilang litrato, “Insightful. Productive. Fun. Thank you Ma’m Vilma Santos Recto for sharing your valuable time, knowledge and wisdom!

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bryan Dy (@mentorque)


“Thank you Dan Villegas, Antoinette Jadaone, Omar Sortijas, Warren Catarig, Ron Angeles, Rona Banaag and Catsi Marie kahit asa malayo ka hahaha.

“Mentorque X Project 8 Projects X Vilma Santos-Recto (smiling face and three red hearts emoji).”

Hindi pa raw alam ng producer kung ilalaban ito sa MMFF 2024 dahil kaka-meeting pa lang nila at higit sa lahat kailangan pang basahin ng Star for All Seasons ang script. Excited nga raw si Ate Vi dahil kakaiba ang inihain sa kanya nina direk Dan at Tonette.

Baka Bet Mo: ‘Mallari’ ni Piolo Pascual lumebel sa ‘Aquaman’, ‘Wonka’

Totoo naman laging sinasabi ng aktres na gusto niyang makagawa ng pelikulang hindi pa niya nagagawa o kung meron man ay hawig lang sa past movies niya pero malaki pa rin dapat ang pagkakaiba.

Sa pagkakaintindi rin namin ay malabong pang-MMFF ang pelikulang alok kay Ate Vi dahil may entry na ang Mentorque, ang “Biringan”, at base sa regulasyon ng MMDA at MMFF ay isang pelikula lang ang puwedeng isali ng  bawat producer o movie outfit.

Speaking of “Biringan”, wala pa ring ibinibigay na detalye si Bryan kung sino ang bibida at magiging direktor nito dahil hindi pa ito pumipirma ng kontrata.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bryan Dy (@mentorque)


Nangako naman siya na kapag kumpleto na ang cast at direktor ay may big announcement ang Mentorque tulad ng ginawa rati kay Piolo Pascual para sa “Mallari” na kaliwa’t kanan ang papuri sa pelikula.

Dalawang beses nang nakakuha ng Best Actor trophy si Papa P mula sa Manila International Film Festival at sa katatapos na Box-Office Entertainment Awards ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation (GMMSF), Inc..

Going back to Bryan, nasa bucket list talaga niya ang makatrabaho si Ate Vi sa pelikula kaya naman nang pagbigyan sila sa hiningi nilang meeting para mag-pitch ng project ay sobrang tuwa nito.

Halos lahat ay gustong maka-work ang aktres at kumpleto na raw ang showbiz career nila kapag nakasama nila ito sa pelikula.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Oo naman, Star for All Seasons ‘yan at premyadong aktres pa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending