Liza Soberano ibinunyag ang pagpasok sa film school, tutuparin na ba ang pangarap na maging direktor?
NAGKAROON ng update ang aktres na si Liza Soberano patungkol sa mga latest na pinagkakaabalahan niya sa buhay.
Ito ay matapos siyang kamustahin ng ABS-CBN sa isang ambush interview sa isang event.
Pagbubunyag ng aktres, kasalukuyan siyang pumapasok sa isang film school at ito naman daw ay kanyang na-eenjoy.
“I’m just having fun and enjoying the process ‘cause right now, I’m going to film school as well, so yeah,” chika ni Liza.
Patuloy niya, “I’ve been doing a lot of things kind of behind the scenes lately, so I’m just really excited about that.”
Baka Bet Mo: Banat ni Cristy Fermin kay Liza Soberano: ‘Wala kang utang na loob, hindi ka Pilipino!’
Nabanggit din niya na kaya raw niya ito ginagawa dahil pangarap niya ring maging isang direktor.
“Honestly, like, lately I’ve been working on a lot of projects that I am self-producing and I also aspire to one day going to directing,” sey niya.
Kwento pa niya, “And so I am meeting with Direk Antoinette Jadaone and Direk Dan Villegas and they mentioned to me that Direk Dan Villegas will be hosting a class at Ateneo.”
“So I went to one class already and I hope to continue classes for film,” aniya pa.
Kung matatandaan, dati nang nabanggit ni Liza na nais niyang magtrabaho behind-the-scenes pagdating ng edad 30.
Limang taon na lang din ay magte-trenta na nga ang aktres kaya siguro unti-unti na niyang tinutupad ang kanyang goal.
Noong Abril nang unang sinabi ni Liza sa isang magazine interview na hindi siya magiging artista habang-buhay.
Kaya naman nais daw niyang pag-aralan ‘yung mga proseso pagdating sa likod ng camera.
“I feel like there will come a time, especially when I hit my 30s, that I won’t want to be in front of the camera anymore,” sey niya.
Dagdag niya, “So, I want to be able to learn how things work behind the scenes because I really love creating films, and I love anything creative.”
Nabanggit pa niya noon na kahit sinusubukan niya ang kapalaran sa pagiging “world class artist” ay nais niya ring ikonsidera ang iba pang paraan para sa kanyang career growth.
Magugunitang naging hot topic sa social media ang dating Kapamilya star matapos i-upload ang controversial vlog noong Pebrero na kung saan ay nag-open up siya tungkol sa mga karanasan niya habang nagtatrabaho sa ABS-CBN.
Makalipas ang isang buwan ay humingi ng tawad si Liza sa dating TV network, sa dating talent manager na si Ogie Diaz, pati na rin sa boyfriend na si Enrique Gil sa pamamagitan ng exclusive uncut interview with King of Talk Boy Abunda.
“You know ABS-CBN was always my second home. I have devoted so many years to them, and I’m also sorry again to them if there were people that I’ve worked with closely that were offended by some of the things I’ve said in my vlog. It was not my intention,” sambit ng dalaga.
Ani pa niya, “They know this. I’m thankful to them for taking a risk on me when I was a nobody, for investing in me, developing me, and for creating Liza Soberano.”
Related Chika:
‘Si Liza Soberano mismo ang tumangging bigyan sila ni Enrique Gil ng ibang ka-loveteam’
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.