Piolo Pascual waging best actor sa GMMSF para sa Mallari

Piolo best actor sa GMMSF para sa Mallari; Biringan ilalaban sa MMFF 2024

Ervin Santiago - May 15, 2024 - 06:30 AM

Piolo best actor sa GMMSF para sa Mallari; Biringan ilalaban sa MMFF 2024

Derick Cabrido, Ron Angeles, Piolo Pascual, Janella Salvador, Bryan Dy at Rona Bang

MULING pinatunayan ng Ultimate Leading Man na si Piolo Pascual sa buong universe ang kanyang natatanging galing pagdating sa aktingan.

Nagwagi uli bilang Best Actor si Papa P para sa pagganap niya ng tatlong karakter sa horror-drama movie na “Mallari” sa katatapos na Box-Office Entertainment Awards sa Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation (GMMSF), Inc.

Ito na ang ikalawang Best Actor award ni Piolo para sa “Mallari”. Una siyang pinarangalan sa kauna-unahang Manila International Film Festival last January 2024, na ginanap sa Hollywood, USA.

Baka Bet Mo: ‘Mallari’ ni Piolo Pascual lumebel sa ‘Aquaman’, ‘Wonka’

Isa sa mga naging top-grosser ang naturang pelikula sa 2023 Metro Manila Film Festival, kung saan ipinakita ang “cinematic journey” ni Fr. Juan Severino Mallari,” ang sinasabing unang serial killer sa bansa na naitala noong 19th century.

Nagbigay ng pagkakataon ang MIFF, na proyekto ni Metropolitan Manila Development Authority/MMFF Acting Chairman Atty. Romando S. Artes, na umabot sa ibang bansa ang epekto ng kuwento ng pelikula.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bryan Dy (@mentorque)


Iti rin ang first-ever Filipino film na sinuportahan ng Warner Bros. bilang distributor kaya naman mas nabigyan pa ito ng International flavor.

Tinanggap ni Piolo ang kanyang award kasama ang Mentorque producer na si Bryan Dy, executive producer na si Rona Banaag, Clever Minds co-owner at supervising producer na si Omar Sortijas, director Derick Cabrido at ang mga co-stars niyang sina Janella Salvador at Ron Angeles.

Masaya ring ibinalita ni Bryan na dahil sa tagumpay ng “Mallari”, maraming nagbukas na opportunities para sa mga bonggang collaborations.

Isa na rito ang pagsasanib-pwersa ng  Mentorque Productions at Project 8 Projects, na pag-aari ng mga box-office director na sina Dan Villegas at Antoinette Jadaone. Ito’y para sa 2024 Cinemalaya Film Festival ngayong Agosto.

Baka Bet Mo: Talent fee ni Piolo hindi tinawaran ng producer ng ‘Mallari’ na si Bryan Dy: ‘Nahihiya pa nga ako dahil…’

Bukod dito, natapos na rin ang shooting ng “Kono Basho” sa Japan na inanunsyo ng Pangulo at CEO ng Mentorque sa kanyang Facebook account, na may larawan ng dalawang babae na nakasuot ng itim na kimono.

Ayon kay Bryan, “A Mentorque Productions and Project 8 Projects collaboration. Two worlds collide in Filipino film set in Japan, Kono Basho, starring Gabby Padilla and Arisa Nakano! (Philippine and Japan flag emojis).

“At the helm is visual artist Jaime Pacena in his directorial debut Kono Basho, an entry to this year’s Cinemalaya Film Festival,” aniya pa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bryan Dy (@mentorque)


Nabalita rin ang pagkikita nina Bryan at Angkas President George Royeca kasama ang mga filmmaker na sina Dolly Dulu at Ivan Andrew Payawal na posibleng nagpaplano na rin para sa isang bonggang collab.

May nakita rin kaming post sa social media kung saan kasama ni Bryan ang TEN17P producer-director na si Paul Soriano at asawang si Toni Gonzaga with Mikee Morada at Alex Gonzaga, na may-ari naman ng TinCan Productions.

Samantala, ngayon pa lang ay busy na ang Mentorque para sa isasali nilang entry sa 50th Metro Manila Film Festival this year, ang fantasy-drama na “Biringan.”

Tuwang-tuwa rin si Bryan sa 14 nominasyon ng “Mallari” sa FAMAS Awards sa darating na May 26, kabilangna riyan ang Best Actor (Piolo Pascual), Best Picture (Mentorque Productions/Clever Minds), Best Director (Derick Cabrido), Best Screenplay (Enrico C. Santos), Best Cinematography (Pao Orendain), Best Child Actor (Kian Co), Best Supporting Actress (Gloria Diaz) at Best Supporting Actor (JC Santos).

Nominado rin ang movie sa Best Editing (Noah Tonga), Best Sound (Immanuel Verona and Nerikka Salim), Best Production Design (Marielle Hizon), Best Visual Effects (Gaspar Mangarin), Best Theme Song (Pag-ibig na Sumpa by JK Labajo), at Best Musical Score (Von De Guzman).

Nanalo ang “Mallari” ng Best Supporting Actor, Best Musical Score, Best Visual Effects, at 3rd Best Picture sa MMFF 2023 Gabi ng Parangal.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa darating na June 21 naman ay mapapanood na ang naturang pelikua  sa Netflix.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending