Bong namaga, bumuka ang sugat; waging Best Comedy Actor

Bong namaga, bumuka ang sugat; waging Best Comedy Actor sa GMMSF 2024

Ervin Santiago - May 15, 2024 - 12:42 PM

Bong namaga, bumuka ang sugat; waging Best Comedy Actor sa GMMSF

Lani Mercado, Bong Revilla kasama ang mga anak

KINAILANGANG mag-medical leave ni Sen. Bong Revilla sa Senado matapos magkaroon ng problema sa ginawang operasyon sa kanya sa Achilles tendon.

Ayon sa actor-public servant, naghain na siya ng formal medical leave upang  makapagpahinga at magpagaling mula sa isinagawang repair surgery sa isa niyang paa.

Base sa kanyang official statement, nagpadala rin siya ng sulat kay Senate President Juan Miguel Zubiri upang iparating ang desisyon ng kanyang mga doktor na magpahinga dahil sa muling pagbuka ng tinahi niyang sugat.

Baka Bet Mo: Enrique Gil binalak nang layasan ang showbiz pero biglang nagbago ang isip: ‘I need to leave a legacy’

Magsisimula ang leave ni Sen. Bong simula sa Martes at depende raw sa magiging assessment ng doktor kung ilang araw siya mananatiling hindi makakadalo sa plenary session.

“Sa aking pisikal na pagdalo at paglahok sa plenaryo, na taliwas sa paulit-ulit na payo ng aking mga doktor, namaga at bahagyang bumuka ang sugat mula sa aking Achilles Tendon repair surgery.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ramon Bong Revilla, Jr. (@bongrevillajrph)


“Despite my determination to participate in our plenary proceedings, the Senate President [Juan Miguel Zubiri] has decided to no longer allow me to do so remotely and online,” ang bahagi ng pahayag ng aktor at senador.

Ngunit sa kabila nito, tuloy pa rin daw ang kanyang pagtatrabaho kabilang na ang pagsusulong sa mga inihain niyang mga panukala.

“Tulad nang lagi, I will continue to fulfill my mandate and push for the approval of my bills, hold hearings of the Committees that I chair, and attend to my duties as member of the Commission on Appointments,” sabi pa ni Sen. Bong.

Baka Bet Mo: Promise ni Mavy Legaspi kay Kyline Alcantara: ‘No matter what you decide, I will never leave your side’

Samantala, muling pinatunayan ng tinaguriang Titanic Action Star ang kanyang versatility bilang aktor nang siya ang hiranging Comedy Actor of the Year ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation sa kanilang taunang Box-Office Entertainment Awards nitong Linggo, Mayo 12, 2024.

Bukod sa pagiging top action star, kinilala rin ang veteran at seasoned actor sa mga proyektong napaghahalo ang hard action at magagaan at nakakatawang sitwasyon.

Pinili siya ng board of jurors ng Guillermo Foundation dahil sa matataas na ratings ng “Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis,” ang TV adaptation ng kanyang pelikulang may ganun ding titulo noong ’90s, na siya rin ang bida.

Dahil nagpapagaling pa ang aktor sa pagkapunit ng kanyang Achilles heel, ang kanyang maybahay na si Congw. Lani Mercado-Revilla at anak na si AGIMAT Partylist Cong. Bryan Revilla ang tumanggap ng parangal sa nasabing awarding ceremony.

Ang kahuli-hulihang tropeong ito ng aktor ay dagdag sa apat niyang Box Office Entertainment Awards for Box Office King mula sa Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ramon Bong Revilla, Jr. (@bongrevillajrph)


Nagwagi na rin siya ng Best Comedy Actor noong 2001 mula sa PMPC Star Awards for TV para sa kanyang phenomenal sitcom na “Idol Ko si Kap”.

“Labis po akong natutuwa at nagpapasalamat na napiIing Comedy Actor of the Year ng prestihiyosong Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation’s Box Office Entertainment Awards. Tunay po akong nagpapakumbaba.

“Nagpapasalamat po ako sa lahat ng sumuporta sa ‘Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis’ sa nakalipas na dalawang season. Ang award na ito ay hindi lang para sa akin kundi para sa lahat ng nakitawa, nakiiyak, at nakisaya,” ani Sen. Bong sa isang pre-recorded video message na ipinarinig sa  naturang event.

Ginagampanan niya ang papel ni “Major Bartolome Reynaldo,” o “Tolome” na umaliw at kumiliti sa maraming    televiewers. Nakakatuwa, matikas pero ‘masunurin’ lalo na sa kanyang asawang si Gloria, na ginagampanan ni Beauty Gonzales, na kinagigiliwan ng maraming naadik sa nasabing serye.

Nagsimulang umere ang “Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis” sa GMA nu’ng Hunyo 2023, unang season. Dahil sa consistent na high ratings, nagkaroon ito ng pangalawang season nitong  Pebrero na natapos nitong nagdaang linggo.

“Salamat sa aking mga kasamang mahuhusay na artista at sa lahat ng production crew na kung di dahil sa kanila ay di magiging posible ang WMNP. Maraming maraming salamat po!  Patuloy nating ikalat ang halakhakan at positivity saanman tayo naroon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Mabuhay ang Guillermo! Mabuhay ang Philippine Entertainment!” pagtatapos ni Bong Revilla.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending