Joross sumailalim sa 'Achilles operation' matapos magka-injury sa pagba-basketball | Bandera

Joross sumailalim sa ‘Achilles operation’ matapos magka-injury sa pagba-basketball

Ervin Santiago |November 22,2021
facebook
share this

Joross sumailalim sa ‘Achilles operation’ matapos magka-injury sa pagba-basketball

Ervin Santiago - November 22, 2021 - 05:39 PM

Joross Gamboa

MARAMING celebrities ang nangako sa Kapamilya actor na si Joross Gamboa na ipagdarasal ang mabilis niyang paggaling matapos  ibalita na sasailalim siya sa surgery.

Ibinahagi ng aktor kahapon sa social media na naghahanda na siya para sa kanyang operasyon dahil sa injury na natamo sa paglalaro ng basketball.

Aniya sa caption ng ipinost niyang litrato sa Instagram, “Getting ready for my Achilles operation! God bless everyone! Praying for a smooth operation and a quick recovery in Jesus’ name.” 

Pinasalamatan din niya ang asawang si Katz Gamboa sa walang-sawang pag-aalaga at pagmamahal nito sa kanya.

“Also special thanks sa aking pinakamamahal na asawa @katz_gamboa sa pagpaparanas sakin ng 10 (star emoji)️ na pag aalaga! Labyu!” ani Joross.

Base sa isang health website, ang “Achilles tendon rupture” ay isang “injury that affects the back of the lower leg. The Achilles tendon is a strong fibrous cord that connects the muscles in the back of your calf to your heel bone. If you overstretch your Achilles tendon, it can tear (rupture) completely or just partially.”

Sey pa ni Joross, baka raw anim na buwan pa ang kakailangan niya para sa kanyang complete recovery pagkatapos ng surgery.

“Depende sa pagiging masunurin ko sa therapy. Basta ni-lift up ko na lahat kay God kaya kahit ganito situation ko circumstances ko I still have joy and peace. Because of Jesus Christ my Lord and Savior! God bless everyone!” lahad ng aktor.

Ilan sa mga kasamahan niya sa showbiz na nagbigay ng mensahe para sa agaran niyang paggaling ay sina Vhong Navarro, Iza Calzado, Derek Ramsay, Adrian Alandy, Jason Abalos, Wendell Ramos at JC de Vera.

View this post on Instagram

A post shared by Joross Gamboa (@joross_gamboa)


Kung matatandaan, unang nag-post si Joross ng tungkol sa kinasangkutan niyang aksidente sa pagba-basketball sa pamamagitan ng isang video clip.

“Achilles Injury (Narinig mo yun?) Nagbasketball kami sa 3rd floor naglaro kaming 3vs3 tapos ‘yung pagtakbo ko biglang may pumutok na malakas (may napigtas). 

“Alam niyo feeling ng may humampas ng dospordos sa binte malamang hindi basta parang ganun. Di masakit sa simula, gulat lang. 

“Akala ko nga may multo nun kasi walang tao sa likod ko. Tapos dahan dahan ng sumasakit taas ng sakong ko. Ayun napigtas na nga Achilles ko,” ang pahayag ng aktor.

Aniya pa, “Napaka-importante talaga ng stretching sa simula. Eto lang ata ‘yung time na ngalaro ako ng ‘di nagtodo stretching kasi late kami dumating. Kaya sa inyong lahat magiingat kayo parati.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

View this post on Instagram

A post shared by Joross Gamboa (@joross_gamboa)

Tambalang Joross-Roxanne click pa rin; Lovi, Zanjoe lalaban sa 44th Gawad Urian

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending