Patikim na teaser ng horror movie ni Piolo na 'Mallari' trending, dasal ng fans: 'Mapasama sana sa MMFF 2023!' | Bandera

Patikim na teaser ng horror movie ni Piolo na ‘Mallari’ trending, dasal ng fans: ‘Mapasama sana sa MMFF 2023!’

Reggee Bonoan |October 09,2023
facebook
share this

Patikim na teaser ng horror movie ni Piolo na ‘Mallari’ trending, dasal ng fans: ‘Mapasama sana sa MMFF 2023!’

Reggee Bonoan - October 09, 2023 - 07:46 AM

Patikim na teaser ng horror movie ni Piolo na 'Mallari' trending, dasal ng fans: 'Mapasama sana sa MMFF 2023!'

Elisse Joson, Janella Salvador, Gloria Diaz at Piolo Pascual

NANGGULAT talaga ang inabangang teaser ng horror movie na “Mallari” ni Piolo Pascual na inilabas ng Mentorque Productions nitong Sabado.

Parang metro ng taxi sa bilis ang nakuha nitong views at shares sa social media sa loob lamang ng isang oras.

Nag-trending din ito sa Meta bandang 11 p.m. ng Sabado kaya naman natuwa ang producer ng pelikula na si Bryan Dy dahil marami pala talagang nag-abang sa teaser ng “Mallari”.

Hoping ang lahat na mapasama ito sa natitirang 4 slots ng Metro Manila Film Festival 2023 na magsisimula ngayong December na alam naman ng lahat na maraming fans ang horror movies.

Ang inilabas na teaser ay patikim pa lang dahil marami pang ilalatag ang Mentorque Productions na pautay-utay hanggang sa Oktubre 17 para sa announcement ng final 4.

Base sa mga ipinanood sa aming ilalabas na teaser ng “Mallari” ay nagulat kami dahil ang dami pa pala at sinadyang bitinin ang mga nakapanood para abangan ang next drop.

Habang sinusulat namin ang balitang ito ay umabot na sa mahigit 500 shares ang teaser in 24 hours at halos lahat ng nababasa naming komento ay binabati ang buong Team Mallari.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Piolo Jose Pascual (@piolo_pascual)


Mula kay @Mam Vangie, “Congratulations na agad! After watching that earlier today, I knew people will agree that this is another breakthrough in Philippine Movies. Mukhang kaabang-abang!”

Baka Bet Mo: Piolo pinangarap maging pari sa edad na 18; sasabak sa matinding challenge bilang serial killer sa ‘Mallari’

Puring-puri ng producer na si Bryan si JC Santos dahil, “Humanga ako kay JC, alam ko given na sa inyo ang mga naging charcter niya sa movies, pero dito ibang JC Santos ang mapapanood ninyo, same thing with Piolo Pascual, iba rin.”

Marami pa raw kuwento ang Mentorque bigwig pero hindi muna niya sasabihin lahat lalo na ang behind the scenes ng bida sa pelikula na hindi raw akalaing ganu’n ka-koboy si Papa P.

Bukod kina Piolo at JC ay kasama rin sa movie sina Janella Salvador, Elisse Joson at Ms. Gloria Diaz with special participation of Mylene Dizon.

Ito ay mula sa direksyon ni Derick Cabrido at isinulat ni Enrico C. Santos produced ng Mentorque Productions at line produced ng CleverMinds, Inc.

Abangan ang ikalawang teaser ng pelikula anumang oras mula ngayon.

Piolo Pascual first time bumida sa horror film, netizens abangers sa pasilip ng ‘Mallari’: ‘Interesting!!’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Producer ng ‘Mallari’ pinaghandaan ang talent fee ni Piolo: ‘Hindi na kami nagtangkang tumawad, kasi…’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending