Cagayan niyanig ng 17 lindol, magnitude 5.8 pinakamalakas

LABING-PITONG lindol ang naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa Cagayan hanggang alas-8 ngayon umaga.
Base sa impormasyon, naitala ang mga pagyanig malapit sa Dalupiri Island at bayan ng Calayan.
Pinakamalakas ang magnitude 5.8 na naiatala ala-1:18 ng madaling araw sa distansiyang 25 na kilometro hilaga-kanluran ng isla ng Dalupiri.
Mababaw ang mga pagyanig at naramdaman ito sa Cagayan, maging sa Ilocos Norte at Ilocos Sur.
Binalaan ng Phivolcs ang mga residente na maging alerto dahil sa inaasahang aftershocks.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.