Warner Bros, Mentorque sanib-pwersa sa ‘Mallari’ ni Piolo; mananakot tulad ng ‘The Nun’, ‘Valak’
ISANG linggo na ang nakararaan ay high na high pa rin ang pakiramdam ng Mentorque Productions President at CEO na si John Bryan Diamante.
Ito’y dahil nga sa pagpili ng Warner Bros Pictures na maging distributor ng pelikulang “Mallari: The Movie” na entry ngayong Metro Manila Film Festival 2023.
Ginanap ang contract signing sa pagitan nina Bryan at Rico Gonzales, director ng Warner Bros Pictures Philippines nitong Nobyembre 25 sa Chairman’s Lounge ng Okada Manila.
Dalawang dekada (2003) na ang nakalipas nang huling mag-distribute ang Warner Bros Pictures ng indie films.
Kaya naman sa thank you speech ni Bryan ay abut-abot ang pasalamat niya sa Warner Bros at sa Metro Manila Film Festival.
Baka Bet Mo: Talent fee ni Piolo hindi tinawaran ng producer ng ‘Mallari’ na si Bryan Dy: ‘Nahihiya pa nga ako dahil…’
“First of all we would like to thank Metro Manila Film Festival for having Mallari as one of the 10 official entries. Maraming salamat po sa pagkilala sa aming pelikula.
“Ngayong araw ako ay nagpapasalamat na sinamahan niyo kami to witness this historic event as we seal our partnership with the Number 1 Film Distributor in the Philippines, Warner Brothers Pictures with Sir Rico Gonzales. Mallari is the first mainstream film to be distributed by Warner Brothers Pictures in the Philippines.
“May this partnership be gateway to more collaborations and give more opportunities to the industry. Sir Rico, maraming salamat po sa tiwala,” saad ng Mentorque president at CEO.
Nabanggit pa nito na pagkatapos ng top grosser films tulad ng “The Nun”, “The Priest,” “Valak” ay heto ang “Mallari” na ang kasunod kaya talagang hindi pa rin makapaniwala si Bryan na kahilera na ng pelikulang produced niya ang mga sikat na horror films sa Hollywood.
Aniya, “Di ba from the Nun to the Priest now from Valak to Mallari.
“As Mentorque Productions ventured from doing events into producing films. It wasn’t easy. But I am so lucky to meet the right people na nakakahawa ang pagmamahal sa industriyang ito.
“Our country is overflowing of amazing film makers and actors. I am very lucky to bump into some of them. We are very excited na mapanood ng mga kababayan natin ang Mallari. I am proud to say that everyone who worked in this project ay binigay ang lahat.
“Mentorque Productions just ensured that everyone working on this project will have the best working environment that they would need. Kaya sobrang saya ko ng nakita ko ang aming final product.
“Despite facing challenges such as our ability to compete with international films and the rise of digital platforms, the Philippine Film Industry remains resilient and vibrant. Mentorque Productions promised to continue to be concept driven,” aniya.
Dagdag pa ni Bryan, “The Philippine Cinema has a rich and diverse history. It is known for its unique storytelling style and has made significant contributions to both regional and international film.
“Mentorque Productions wish to contribute to our rich and diverse cinematic landscape that continues to captivate audiences both locally and internationally.
“Lagi nating naririnig ang katagang tangkilikin ang sariling atin. Masaya po kaming inihahandog sa inyo ang Mallari dahil hindi lang po ito gawang Pilipino, kundi isang pelikulang maipagmamalaki ng bawat Pilipino,” aniya.
At para sa magandang partnership ng Warner Bros Pictures at Mentorque Productions ay nagkaroon pa ng wine toasting sa naganap na event.
Say ni Bryan, “Here’s to a meaningful partnership between Mentorque Productions and Warner Brothers. This is just a start of many more projects between us.
“May we reap the fruit of our hard earned labor and creative endeavors. and to the brighter future of Philippine moviemaking. Let us raise our glasses for the success of our movie this December, Mallari!” sabi pa ng producer.
Mapapanood na ang “Mallari The Movie” na pinagbibidahan ni Piolo Pascual bilang si Fr. Severino Mallari, Philippines’ first and only serial killer, simula sa Disyembre 25 nationwide.
Ito’y mula sa direksyon ni Derick Cabrido and screenplay by Enrico Santos produced ng Mentorque Productions in cooperation with Cleverminds Incorporated.
Ang iba pang kasama sa pelikula ay sina Janella Salvador, Elisse Joson, JC Santos, Tommy Alejandrino, at Ms. Gloria Diaz.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.