Aktres nakakaloka ang TF kahit hindi kumikita ang mga pelikula

Kilalang aktres nakakaloka ang TF kahit hindi kumikita ang pelikula

Reggee Bonoan - May 20, 2024 - 03:08 PM

Kilalang aktres nakakaloka ang TF kahit hindi kumikita ang mga pelikula

Guess, guess who!?

TRULILI kaya na pinag-iisipang mabuti ng producer-director kung kukunin pa ang isang aktres para sa pelikulang plano niyang ipasok sa Metro Manila Film Festival 2024?

Ang aktres daw kasi ang gusto ng kasosyong producer ng producer-director kaya hindi niya mahindian pero kaya nagdadalawang-isip ang huli dahil wala pa itong napatunayan pagdating sa box-office at higit sa lahat, wala rin siyang fan base.

Napaisip kami sa sinabing walang fan base ang aktres dahil parang meron naman. Narinig naman namin ang mga humihiyaw sa kanya noong may mall show siya para sa promo ng pelikulang pinagsamahan nila ng ka-loveteam.

Baka Bet Mo: Character actor mas kumikita na sa pagba-vlog kaysa sa lock-in tapings

Pero oo nga, hindi kumita ang pelikula ng aktres kaya isa ito sa factor kung bakit nag-iisip mabuti ang producer-director dahil malaking pera ang ilalabas nila rito ng co-producer niya.

Mahal ang talent fee ng mga artistang kasama lalo na ang aktres na talagang nakalulula at daig pa niya ang aktres na mas senior sa kanya sa showbiz at kumikita ang mga pelikula.

Anyway, aabangan na lang namin kung tuloy ang aktres o hindi dahil habang sinusulat namin ang artikulong ito ay may ibang options ang producer-director na sana raw ay pumayag ang kasosyo niya.

Si aktres ay may taglay namang ganda pero nagtataka kami kung bakit mas madalas siyang single kaysa in a relationship.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending