Character actor mas kumikita na sa pagba-vlog kaysa sa lock-in tapings | Bandera

Character actor mas kumikita na sa pagba-vlog kaysa sa lock-in tapings

Reggee Bonoan - February 15, 2022 - 08:32 PM

Character actor mas kumikita na sa pagba-vlog kaysa sa lock-in tapings

KAYA naman pala deadma ang character actor sa mga movie at TV series offers ay dahil mas kumikita siya sa kanyang YouTube channel.

Magaling ang character actor at gusto siya ng mga producer/director kaya siya kaagad ang naiisip kapag may mga project.

Kaya naman kaliwa’t kanan ang offer sa character actor na ito na hindi niya naman niya sinasagot ang mga tawag sa cellphone at messages sa social media account niya.

Okay lang sana kung hindi niya nababasa ang mga mensahe pero kitang-kita na ‘seen’ naman, sa madaling salita ayaw talaga niyang sumagot at dedma siya.

Ayon sa kaibigan ng character actor ay sadyang hindi raw talaga sumasagot ang friend niya dahil hindi nito alam kung paano itu-turn down ang offers kasi nga mas okay sa kanya ang mag YT na lang dahil mas nadadalian siya sa mga ginagawa niyang videos at sarili pa niya ang oras niya kumpara sa tapings at shootings na mahaba ang kinakaing oras at lock in pa.

“Parang nadala kasi almost a month naka-lock in tapos nakunan lang ng isang linggo, so ‘yun lang ang bayad niya. Parang hindi worth it tapos maliit pa ng talent fee? Sana kasi kung ano ‘yung araw na kukunan siya, doon na lang siya ila-lock in. Nasasayang ang panahon,” paliwanag daw ng character actor sa kaibigan niya.

Hmm, may punto nga naman at ito rin ang nakakarating sa aming kuwento ng ibang artista na kaya ayaw sumama sa lock in tapings/shootings ng matagal dahil lugi sila kung may iba naman silang puwedeng gawin.

Wala raw problema ang mga sikat at may malalaking talent fees na kahit ilang araw lang silang makunan ay well compensated naman unlike sa mga character actors na maliit na nga raw ang suweldo, ilang araw ka lang kukunan sa kundisyong mahaba ang lock-in shoot.

Sabi pa ng aming kausap, “sana mabago ‘yung ganitong sistema na sobrang tagal ng lock-in tapos ilang araw ka lang kukunan na iyon lang ang babayaran.”

Going back to character actor na sinilip naming ang YT channel ay marami na siyang subscribers at okay naman ang views niya at maraming nakikipag collab sa kanyang sikat na mga artista at iyon ang pinagkakaabalahan niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Related Chika:
Richard Yap nagpapayat nang bongga para kay Heart: Baka kasi sobrang laki ko pag katabi ko siya
Alden umaming nag-alangang gawin ang ‘The World Between Us’, bakit kaya?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending