Elijah super happy uli sa 'relasyon' nila ni Miles: Walang pressure!

Elijah super happy uli sa ‘relasyon’ nila ni Miles: Walang pressure!

Ervin Santiago |May 08,2024
facebook
share this

Elijah super happy uli sa ‘relasyon’ nila ni Miles: Walang pressure!

Ervin Santiago - May 08, 2024 - 03:25 PM

Elijah super happy uli sa 'relasyon' nila ni Miles: Walang pressure!

Elijah Canlas at Miles Ocampo

MUKHANG nanliligaw uli ang Kapamilya actor na si Elijah Canlas para sa second chance nila ng kanyang ex-girlfriend na si Miles Ocampo.

Maraming fans ang nagsasabi na feeling nila ay nagkabalikan na ang naghiwalay na celebrity couple base sa mga nakikita nilang sweet photos at videos ng dalawa.

Kahit kami ay parang kumbinsido nang mas binigyan ng timbang nina Elijah at Miles ang ilang taon nilang pinagsamahan bilang magkaibigan hanggang sa sila’y “magkaibigan” na nga.

Baka Bet Mo: Claudine 11 years nang walang dyowa, maraming nanliligaw pero…

Nang nakachikahan ng ilang members ng press si Elijah sa ginanap na watch party at mediacon ng bago niyang proyekto sa ABS-CBN, ang “High Street” na sequel ng hit Kapamilya series na “Senior High” natanong ang aktor about Miles.

Kinumusta ng media sa binata ang pagpunta niya sa 27th birthday celebration ni Miles at kung ano na ba talaga ang tunay na estado ng relasyon nila ng aktres.

“We’re doing good. We’re very happy. Of course, of course. We’re taking it easy,” ang pahayag ni Elijah.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Sa panayam naman ng ABS-CBN sa award-winning actor, sinabi nito na kasama talaga siya sa nagplano ng birthday party ni Miles kasama ang ilan nilang mga kaibigan.

“All our friends were there. Kami ang nag-organize sa salubong party niya. In-enjoy lang namin.

“Well, right now we’re just enjoying what we have. We’re taking things easy lang para walang pressure,” sey ni Elijah.

Pag-uulit niya sa kanyang unang pahayag, “We’re just taking our time. Doon lang kami sa focusing on our work. Siyempre, marami rin siyang work, marami rin akong work.

Baka Bet Mo: JM de Guzman nagparinig kay Donnalyn Bartolome: ‘Tagal ko nang nanliligaw… baka naman!?’

“Of course, the love and care for each other will always be there,” sabi ng aktor.

Sa hiwalay na interview kay Miles, diretsahan siyang tinanong kung sila na ba uli ni Elijah na sinagot ng “Eat Bulaga” Dabarkads ng, “Let’s see. We’re working on it.”

Halos ganito rin ang naging sagot ni Elijah nang tanungin kung bahagi ba ng kanyang 2024 goal ang magkaroon ng bagong dyowa after ng breakup nila ni Miles.

“Looking for love? What if love pa? There’s always love within us, right? There’s always love within us and I have so much love to give, you know.

“Honestly, I have so much love to give. So much love inside of me and I’m willing to give it to anyone who’s willing to accept,” sey pa ng aktor.

Anyway, muli ngang mapapanood si Elijah sa “High Street” kasama sina Andrea Brillantes, Juan Karlos, Xyriel Manabat, Zaijian Jaranilla, Miggy Jimenez, Tommy Alejandrino, Gela Atayde, Mon Confiado, Kean Cipriano, Ana Abad Santos, Gerald Madrid, Inka Magnaye, Angeli Bayani, at Rans Rifol.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang “High Street” ay mula sa direksyon nina Onat Diaz at Lino Cayetano.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending