Miles Ocampo mahal pa rin si Elijah Canlas

Miles Ocampo mahal pa rin si Elijah Canlas, may chance pa kayang magkabalikan?

Pauline del Rosario |January 13,2024
facebook
share this

Miles Ocampo mahal pa rin si Elijah Canlas, may chance pa kayang magkabalikan?

Pauline del Rosario - January 13, 2024 - 12:08 PM

Miles Ocampo mahal pa rin si Elijah Canlas, may chance pa kayang magkabalikan?

PHOTO: Instagram/@milesocampo

PARA sa award-winning actress na si Miles Ocampo, nananatili pa rin ang kanyang pagmamahal sa dating partner na si Elijah Canlas sa kabila ng kanilang breakup.

‘Yan ang inamin ni Miles matapos siyang mag-open up sa naging interview with veteran broadcast journalist na si Karen Davila sa isang YouTube vlog.

Ayon pa nga sa aktres, itinuturing niyang “true love” si Elijah at masaya niyang ibinunyag na magkaibigan silang dalawa ngayon.

“May mga bagay na nangyari—of course, sa isang relationship hindi lang naman isang tao; you [both] have to make it work,” sey ni Miles.

Paliwanag niya, “May pagkukulang ‘yung isa’t isa but I’m happy na naiwan lahat ng issues namin na ‘yon sa 2023.”

Baka Bet Mo: Elijah Canlas pinu-push makipag-kissing scene si Miles Ocampo: ‘Nu’ng magkasama kami sa work, ayaw talaga niya!’

“We opened this year na okay na kami, na nag-uusap na ulit and all,” patuloy ng aktres.

Ani pa niya, “Syempre ‘di rin naman biro ‘yung mga pinagdaanan namin. May mga bagay na kaming dalawa lang ang makakaalam at makakasagot sa isa’t isa, so might as well be friends for now.”

Biglang nag-follow up question si Karen at sinabing, “Siya ba ang true love mo?”

Deretsahan naman siyang sinagot ng aktres, “Yes. First boyfriend, first everything.”

Hindi na binanggit ni Miles ang naging rason ng kanilang paghihiwalay, pero napatawad na raw niya ang aktor.

“Forgiveness naman ang pinakaimportante sa lahat. [It’s] for myself din and since I still have love for that person,” sambit niya sa batikang journalist.

Dagdag pa ng Kapamilya actress, “Lahat naman ng tao nagkakamali, dapat lang maging accountable ‘yung mga tao sa mga nagawa nila.” 

Kasunod niyan, sinabi ni Miles na mas bibigyan na muna niya ng pansin ang kanyang karera at siya raw ay magpapahinga muna pagdating sa lovelife.

Nang tanungin naman siya kung posible pang magkabalikan ang dating mag-dyowa, ang sagot ni Miles: “Tingnan natin ang universe magsabi.”

“May pinagsamahan kami, matagal din kami and kapag gano’n na marami kayong pinagdaanan together, maraming happiness together, parang I have so much love and respect for that person,” saad pa niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Magugunita noong Nobyembre nang tuluyan nang maghiwalay sina Miles at Elijah makalipas ang dalawang taong relasyon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending