#BantayAsks: Celebrities naniniwala pa nga ba sa second chances?
Sa pagdiriwang ng Araw ng mga Puso, naglibot-libot kami upang hingian ang mga celebrities kung naniniwala at ready ba sila na magbigay ng second chances sa mga taong nakasakit sa kanila.
Narito ang ilan sa mga celebrities na nagbigay ng kanilang opinyon hinggil sa pagbibigay ng pangalawang pagkakataon para sa pag-ibig.
Para kay Bianca Umali, walang problema sa kanya ang pagbibigay ng second chance o kahit ilan pang pagkataon sa isang tao basta worth it ito.
“I personally say yes. I do believe in second chances, and third chances, and fourth chances as long as the person who is asking for another chance is worthy of that chance.
“Kasi sabi nga nila, when you do one mistake, doing it once, it may be considered a mistake but doing it twice or thrice is a desisyon pero depende pa rin sa sitwasyon,” saad ni Bianca.
Para naman kay Gladys Reyes, depende ang pagbibigay ng second chance sa intensity ng kasalanang nagawa.
“Depende po sa gravity ng nagawa sa ‘yo. Sabi nga ang daling magpatawad pero hindi ganoon kadaling makalimot sa nagawa lalo na kung sobra kang nasugatan, sobra kang nahirapan. In God’s perfect time, I think yes,” sagot ni Gladys.
Tulad naman ng kanyang dyowa, ready ring magbigay si Ruru Madrid ng maraming pagkakataon para sa taong mahal niya.
Baka Bet Mo: Valentine’s Day, Ash Wednesday sabay magaganap this year, anong dapat gawin?
View this post on Instagram
“Kasi kung ang Panginoon nga nagpapatawad, ano pa po tayo? Kahit na minsan nga hindi lang second chance, may third chance, fourth chance. It depends sa kung papaano po niya ipinapakita ang sarili at kung paano siya nagbabago,” ani Ruru.
Pero para sa actress-beaty queen, non-negotiable kung cheater ang humihingi ng pagkakataon.
“It depends on why you broke up but everyone deserves a second chance. That’s what I really believe. It really depends sa situation pero walang second chance sa mga cheaters!” sabi ni Celeste.
Para naman kay Kelvin Miranda, kung ang Diyos ay palaging nagbibigay ng pagkakataon sa atin sa araw-araw, siya rin ay ready sa pagbibigay tsansa sa ibang tao basta nakikita niyang sincere at natuto ito sa pagkakamali.
“Lahat naman tayo binibigyan ng pangalawang pagkakataon sa araw-araw. Sa pagkagising, para maitama natin ang pagkukulang natin sa kahapon, para maging tama kung ano man ‘yung hinaharap natin ngayon.
“Sa relationship, oo naman as long as willing talagang tanggapin o matuto ‘yung tao na bibigyan mo ng pagkakataon. Kasi hindi lahat ng tao kayang magbigyan non pero ako as a person, willing ako basta natututo,” chika ni Kelvin.
Para naman kay Beauty Gonzalez, ok lang ang pangalawang pagkakataon pero hanggang doon na lamang.
“Basta hanggang second chance lang. Kapag third chance, tanga na ako. Ganoon lang kasimple,” sey ni Beauty.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.