Bianca Umali, Sanya Lopez bagay na mag-ina sa 'Sang'gre'

Bianca Umali, Sanya Lopez bagay na mag-ina sa ‘Sang’gre’ ng GMA 7

Ervin Santiago |December 19,2023
facebook
share this

Bianca Umali, Sanya Lopez bagay na mag-ina sa ‘Sang’gre’ ng GMA 7

Ervin Santiago - December 19, 2023 - 04:59 PM

Bianca Umali, Sanya Lopez bagay na mag-ina sa 'Sang'gre' ng GMA 7

Sanya Lopez at Bianca Umali

MAS lalo pang na-excite ang Encantadiks matapos ang first taping together nina Bianca Umali at Sanya Lopez para sa bigating seryeng “Encantadia Chronicles: Sang’gre.”

Una nang ni-reveal na gaganap si Bianca bilang Terra, ang bagong tagapangalaga ng Brilyante ng Lupa at anak ni Sang’gre Danaya na karakter naman ni Sanya.

Makikita sa official Facebook page ng programa ang masasayang ngiti ng dalawang aktres kasama rin si Direk Mark Reyes.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Encantadia Chronicles: Sang’gre (@gmaencantadia)


Tuwang-tuwa naman ang netizens sa pasilip na ‘yan! Komento ng isang fan, “Mommy and daughter! Bagay sila na mag-ina. I’m very excited! Ang cute nilang tingnan. Gandang ‘di nakakasawa!”

Baka Bet Mo: Iza, Diana, Karylle binigyan ng ‘blessing’ ang 4 na bagong Sang’gre; cast members sumabak na sa matinding training

Maliban kay Sanya, kabilang din sa mga magbabalik sa “Encantadia Chronicles: Sang’gre” ang mga karakter nina Rocco Nacino bilang Aquil at Glaiza de Castro bilang Pirena.

Abangan ang epic serye na ito soon on GMA Network.

* * *

Tumitindi pa ang mga eksena sa high-rating primetime series ng GMA Network na “Love Before Sunrise.”

Ipaglalaban pa kaya nina Stella (Bea Alonzo) at Atom (Dennis Trillo) ang kanilang pagmamahalan hanggang sa huli? Ano naman ang gagawin nina Czarina (Andrea Torres) at Roald (Sid Lucero) kapag nalaman ang secret affair ng kani-kanilang asawa?

Marami pang shocking at heartbreaking revelations sa pagpapatuloy ng “Love Before Sunrise! Kaya huwag bibitaw sa huling dalawang linggo ng “Love Before Sunrise.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Tutukan ‘yan Lunes hanggang Biyernes tuwing 8:50 p.m. sa GMA Telebabad. Pwede ring mag-stream sa Viu anytime, anywhere.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending