Valentine's Day, Ash Wednesday sabay magaganap ngayong taon

Valentine’s Day, Ash Wednesday sabay magaganap this year, anong dapat gawin?

Therese Arceo - February 13, 2024 - 10:04 PM

Valentine's Day, Ash Wednesday sabay magaganap this year, anong dapat gawin?

MADALAS nating marinig na “Love is in the air” tuwing Pebrero pero paano na lang kung magsabay ang Araw ng mga Puso o Valentine’s Day sa Miyerkules ng Abo o Ash Wednesday?

Para sa mga Katoliko, mahalaga ang pagdaraos ng Ash Wednesday dahil ito ang hudyat o simula ng Lenten season.

Samantala, isa naman ang Valentine’s Day sa mga event na talagang pinaglalaanan ng oras ng mga Pilipino lalo na ng mga couples.

Ngunit paano nga ba ise-celebrate ang dalawang mahalagang ganap nang hindi nasa-sacrifice ang kasiyahan ng bawat isa?

Magsimba muna bago mag-date. Bago ang inyong sweet date night, huwag kakalimutang bumisita muna sa simbahan upang um-attend ng misa. Bukod sa naging sentro na ang Panginoon sa inyong pagsasama, paniguradong happy pa si Lord dahil isinama mo Siya sa espesyal n’yong araw.

Baka Bet Mo: ALAMIN: Bakit nga ba bulaklak ang ibinibigay tuwing Valentine’s Day?

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Iwasan ang karne sa order na pagkain. Bilang parte ng penetensya para sa mga Katoliko, iniiwasan ang pagkain ng karne bilang isa sa mga sakripisyo sa kahabaan ng Lenten period.

Maari pa rin namang ma-enjoy ang inyong dinner date pero piliin na lamang ang pagkain ng isda o seafood para pasok pa rin ang date kahit na Ash Wednesday.

Pass muna sa pagkain ng breakfast o kaya’y lunch. Tulad ng pag-iwas sa pagkain ng karne, parte rin ng penetensya sa pagsisimula ng Kwaresma ang fasting. Para hindi maantala ang date, i-sacrifice muna ang breakfast o kaya naman ang lunch. Keri? Keri!

Pero kung talagang hindi kaya, maari namang is-celebrate ng advance ang Valentine’s Day o ‘di kaya’y ipagpaliban muna ang date at gawin ito ng February 15, at least sigurado kang hindi mapapalaban ang bulsa dahil pumasok na ang sweldo!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Matatandaang noong 2018 lang nang hulimg mangyari na pumatak sa iisang araw ang Valentine’s Day at Ash Wednesday.

Basta laging tandaan na ang Ash Wednesday ay ginugunita bilang pagpapaalala ng pagsisisi sa kasalanan at pagninilay-nilay sa mga pagkakamaling nagawa natin sa buhay.

Alalahanin rin na ang pagpaparamdam ng pagmamahal sa ating mga mahal sa buhay, mapadyowa, asawa, kaibigan, at kapamilya ay hindi lang dapat i-express tuwing Valentine’s bagkus dapat ipadama ito araw-araw.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending