Gladys may karapatang talakan si Vice; balak magsama sa pelikula

Gladys may karapatang talakan si Vice; planong magsama sa pelikula

Ervin Santiago |January 29,2024
facebook
share this

Gladys may karapatang talakan si Vice; planong magsama sa pelikula

Ervin Santiago - January 29, 2024 - 11:17 AM

Gladys may karapatang talakan si Vice; planong magsama sa pelikula

Vice Ganda at Gladys Reyes

TALAGANG naglaan ng panahon si Vice Ganda para sa 20th wedding anniversary celebration nina Gladys Reyes at Christopher Roxas.

Isa ang Phenomenal Box-Office Star sa mga celebrities na dumalo sa selebrasyon ng anibersaryo ng mag-asawa na ginanap nitong Sabado ng gabi, sa Glass Garden Events Place, Pasig City.

Present din sa selebrasyon sina Ruru Madrid, Bianca Umali, Vhong Navarro, Wowie de Guzman, Bianca Lapus, Claudine Barretto, Angelu de Leon, Amy Austria, Juan Rodrigo, Patricia Javier at Archie Alemania.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Tinawag ni Gladys si Vice on stage para magbigay ng mensahe, “Super-happy ako sa inyo, nakakatuwa na nag-e-exist pa rin yung mga ganyang love stories sa panahon ngayon.

Baka Bet Mo: Vice Ganda humirit sa lahat ng single: ‘Madlang pipol, si Ryan Bang may dyowa na, ang tanong… ikaw kaya, when?’

“Di ba, na parang napakaimposible ng mga relasyong nagtatagal. Meron at meron pa rin naman talagang mga relasyong nabubuo at hindi nabibigyan ng hangganan,” simulang pahayag ng TV host-comedian.

Patuloy pa niya “Nakaka-inspire, especially sa mga unti-unti nang nawawalan ng pag-asa sa pag-ibig.

“And thank you very much for still considering me as one of your closest friends.

“I am very happy to be very close to you, to have enjoyed so much time with you nu’ng nagsisimula, magkasabay po kasi kami sa ano, sa Showtime,” dagdag ng komedyante.

“First episodes pa lang ng Showtime, magkatabi na kami du’n. At isa yun sa mga pinaka-enjoy kong moments sa Showtime nung nagsisimula pa lang ako.

“At ever since po, very supportive na sa akin si Gladys. Kahit nung wala na siya sa Showtime, hindi nawawala yung communication namin,” pag-alala pa ni Vice.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“At sisters talaga kami. Kasi meron siyang karapatang magbigay ng unsolicited advice sa akin anytime pag walang…

Baka Bet Mo: Gladys balik-kontrabida sa ‘Black Rider’ nina Ruru at Matteo; hinding-hindi makakalimutan ang ‘Eat Bulaga’ ng TVJ

“Very random moments, magte-text siya sa akin, magme-message siya sa akin kahit alam niyang hindi ako palasagot. Di ako palasagot.

“Pero kapag nag-text siya kahit hindi ako palasagot, sasagutin ko siya kahit after two days. Kasi tatalakan niya ako,” lahad pa ng Kapamilya star.

Natawa naman si Gladys sa mga sinabi ni Vice. Pagpapatuloy ni Vice, “At meron siyang authority gawin sa akin yun. Ganu’n kami ka-close.

“Kahit sa concert ko, kahit hindi naman normal sa kanya na nagpe-perform sa concert, sinamahan niya ako nu’ng first concert tour ko, nu’ng nagsisimula pa lang ako.

“Bitbit ko siya sa iba’t ibang probinsiya sa Pilipinas, sa Cebu, sa lahat. Kaya ang ganda-ganda ng mga moments namin.

“At very personal ang relationship namin. We have known each other for a very personal level. Hindi lang yung professional, yung magkasama lang sa trabaho.

“Pero malalim yung pagkakakilala namin sa isa’t isa kahit hindi kami laging nagkikita, like araw-araw o maya’t maya, hindi nagbabago yung pagtingin niya sa akin at pagmamahal sa akin, at suporta.

“Kaya nga sabi niya, ‘Siguro naman, sa tanda nating ito, dapat meron na rin tayong project na magkasama. Sana sa next movie ko, kung gagawa ako ng pelikula, magsama na tayong dalawa,’” chika pa ng TV host.

Kuwento ni Vice, napanood daw niya ang pelikula ni Gladys na “Mga Kuwentong Barbero (Barber’s Tales)” na idinirek ni Jun Robles Lana.

“E, meron akong project with Direk Jun. Saktung-sakto kasi Jun Lana baby siya. Sabi ko, ‘Sabihin ko kay Direk Jun, magsama tayo sa next project.’ Kaya I’m very happy to be here tonight. Hindi ako puwedeng um-absent.

“Nag-usap nga kami nina Bianca saka nina Ruru, ‘Nagpa-attendance na tayo. Kasi kung hindi, masusumpa tayo,’” aniya pa.

Pagpapatuloy pa ni Vice, “Mahal na mahal kita. Alam mo namang mahiyain ako sa mga event. Ha-hahahaha! Mahiyain ako sa mga events!”

Sey naman ni Gladys, “Saka sa totoong buhay.”

Chika uli ni Vice, “Kaya kahit ano pa man, I will always make it for you because I love you very much. You’re so dear to me. And I am very grateful to everything that you have shown me, sa lahat-lahat.

“Sa industry, hindi po imposibleng magkaroon ng kaibigang pangmatagalan. Posibleng-posible po yun kay Gladys. Maraming salamat. I love you,” mensahe pa ni Vice.

Nag-hug at nagbeso ang magkaibigan, sabay sabi ni Gladys ng, “I love you sis.”

Pahabol na punchline pa ni Vice, “Hinabaan ko ang speech ko, kasi maraming give-aways.” Na ikinahagalpak naman ni Gladys.

Kasabay ng pagdiriwang ng 20th wedding anniversary nina Gladys at Christopher, nag-celebrate rin doon ng kanyang 18th birthday ang panganay nilang si Christophe.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sinorpresa rin si Christophe that night ng mga executives ng ABS-CBN Star Music kung saan pinapirma nga siya ng kontrata bilang bagong artist ng naturang music label.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending