Madam Inutz sa PBB housemates: Magsipag, wag mareklamo

Madam Inutz sa bagong PBB housemates: Magsipag, wag mareklamo

Ervin Santiago - May 01, 2024 - 08:22 AM

Madam Inutz sa bagong PBB housemates: Magsipag, wag mareklamo

Madam Inutz

“HUWAG kang magreklamo sa mga tasks at sa lahat ng magiging bagong housemates kailangang mabait ka at marunong kang makisama!”

Yan ang isa sa mga advice ni Madam Inutz o Daisy Lopez sa totoong buhay para sa mga makakapasok sa muling pagbubukas ng Bahay ni Kuya sa ABS-CBN.

Baka Bet Mo: Hirit ni Heart: ‘I would never ever make taray on someone especially if he’s like a guard or server…’

Isa si Madam Inutz sa mga dating housemates ni Big Brother kaya naman natanong siya sa isang panayam kung ano ang maipapayo niya sa bagong batch na makakapasa sa audition para sa “Pinoy Big Brother Gen 11.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Madam Inutz (@madaminutz20)


Si Madam Inutz ay napasama bilang celebrity housemate sa “Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10” na talaga namang sumikat noon bilang online seller.

Unang-una sa payo ng social media personality at komedyana na rin ngayon, dapat daw ay masipag at marunong kumilos sa loob ng Bahay ni Kuya para  hindi masita at pagkaisahan ng kapwa housemates pagdating ng nominasyon sa eviction.

“Dapat magiging totoo. Kailangan talaga susunod ka sa mga patakaran, hindi lang sa patakaran, siyempre especially sa mga taong nakakatanda doon sa loob ng bahay,” sabi ni Madam Inutz.

Baka Bet Mo: Vice Ganda sa pinakamamahal na ina: ‘Bago siya matulog kailangang makita ko muna ‘yung mukha niyang walang pustiso’

Paalala pa niya, “Kasi kapag hindi ka kumikilos, nakikita talaga ‘yan ng housemates, so talagang kailangan naming piliin ‘yung mga taong hindi talaga kumikilos

“At yung nakikitaan namin na parang pa-chill-chill lang, tapos kami naghihirap, ganu’n!” ang punto pa niya.

Dagdag pa ni Madam Inutz, “So ang maipapayo ko, tumanggap ng kamalian, pangalawa siyempre kailangan masipag ka.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Madam Inutz (@madaminutz20)


“Huwag kang magreklamo sa mga tasks, at siyempre sa mga housemates kailangang mabait ka at marunong kang makisama. ‘Yun ‘yung the best!” dugtong na chika pa ni Madam Inutz.

Isa sa mga hindi malilimutang eksena ni Madam Inutz sa “PBB” house ay ang kontrobersiyal na pag-nominate niya sa kapwa celebrity housemate na si Chie Filomeno. Aniya, “puro paganda” lang daw kasi ang inaatupag ng aktres bilang housemate.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pero in fairness naman, pagkalabas ng dalawa sa Big Brother house ay naging maayos pa rin ang pakikitungo nila sa isa’t isa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending