Star Magic nagbabala sa pekeng PBB audition; libreng treat sa iWantTFC
NAG-WARNING ang talent agency ng ABS-CBN na Star Magic sa publiko hinggil sa mga naglipanang online syndicate at scammers sa social media.
May mga sindikato kasing nambibiktima sa mga inosenteng kababayan natin na nagpapakilalang konektado sa reality show na “Pinoy Big Brother” at nagsasagawa ng pekeng audition.
Sa isang official statement na inilabas ng Star Magic sa kanilang socmed accounts, in-announce ang mga magaganap na audition para sa next season ng “PBB” at ito ay sa April 27 at 28 lamang.
Baka Bet Mo: Melai Cantiveros bentang-benta ang mga banat sa IG stories, sigaw ng netizens: ‘Bigyan ng sariling show yarn!’
“We ask the public to be vigilant against scammers claiming to be part of ‘PBB’ and asking aspiring housemates to audition.
View this post on Instagram
“The unauthorized use of the ‘PBB’ brand or any false representation as an employee of the show is punishable by law.
“We will keep you posted thru the official social media accounts of Pinoy Big Brother,” sabi sa statement.
Last week, ibinandera nga ng Star Magic head na si Lauren Dyogi na muling magbubukas ang “Pinoy Big Brother” house sa darating na June.
Ang last season ng iconic reality show na “Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10,” ay napanood noong 2022 with Bianca Gonzalez as the main host.
* * *
Mas damang-dama ang summer sa hatid na title picks ng iWantTFC, ang home of Filipino stories, tampok ang mga serye at pelikulang swak ngayong tag-init na mapapanood nang libre at on-demand.
Mapapa-beach ang mga manonood sa iWantTFC originals na “Beach Bros” nina Kyle Echarri at Chie Filomeno, at horror island series na “Fractured” ng tambalang Francine Diaz at Seth Fedelin.
Todo-kilig naman ngayong tag-init ang hatid ng ilang summer iWantTFC picks, tulad ng Kapamilya classic na “Tabing Ilog,” ang mainit-init na romansa nina Gerald Anderson at Yam Concepcion sa “Init sa Magdamag,” at ang nag-trending na BL reality dating series na “Sparks Camp.”
Maliban pa rito, mas iinit pa ang summertime viewing ng mga manonood sa mga pelikulang tampok ngayong buwan sa iWantTFC, tulad ng sexy comedy hit na “Abay Babes,” intense island affair sa “Sin Island” nina Xian Lim, Coleen Garcia, at Nathalie Hart, pati ang ganda ng isla ng “Siargao” nina Jericho Rosales at Erich Gonzales.
View this post on Instagram
Swak din sa tag-init ang nakaaaliw na tambalan nina Gerald at Arci Muñoz sa lovers-turned-friends comedy-drama na “Can We Still Be Friends,” at ang generational love story nina Piolo Pascual, Coleen Garcia, at Dawn Zulueta sa “Love Me Tomorrow.”
At dahil getaway season ang tag-init, perfect din sa summer viewing ang hatid na lifestyle shows ng iWantTFC—tampok ang magagandang mga beach resort sa Pinas at abroad sa “Beached,” masayang food trip kasama ang kinagigiliwang stars sa “The Crawl,” at ang hidden gem Pinoy destination adventures nina Robi Domingo at Sue Ramirez sa iWantTFC original travel series na “Unlisted.”
Lahat ng ito, libreng mapapanood sa iWantTFC sa official app nito (iOS at Android) at website (iwanttfc.com).
Marami-rami pang summer picks ang hatid ng iWantTFC ngayong Abril sa ilang curated selections nito, tulad ng “Hot Bods,” “April Fresh Finds,” “Destination, Love” at iba pa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.