Francine keber kung support lang kay Malou de Guzman sa Silay

Francine keber kung support lang kay Malou sa ‘Silay’: It’s an honor!

Ervin Santiago - October 29, 2024 - 09:04 AM

Francine keber kung support lang kay Malou sa 'Silay': It's an honor!

Malou de Guzman at Francine Diaz kasama ang producer ng ‘Silay’ na si Rachelle Umandap

SIMPLE lang ang tema at kuwento ng pelikulang “Silay” na pinagbibidahan nina Francine Diaz at Malou de Guzman, pero ang tindi ng ipinaglalaban nitong aral.

Napanood namin ang pelikula sa ginanap na advanced/special screening nito kamakailan sa Trinoma Mall Cinema 7 na dinaluhan din ng mga cast members.

Gumaganap sa movie sina Francine at Malou bilang maglola pero sa kabuuan ng kuwento, tinutukan ang karakter ng beteranang character actress na binigyan ng pagkakataon na makapag-aral at makapagtapos ng high school.

Baka Bet Mo: Francine Diaz naisipan na ring magdyowa: ‘Pero iniisip ko lagi na it’s better talaga to focus muna on my career at sa sarili ko’

Binigyang-diin sa pelikulang idinirek ni Greg Colasito ang kahalagahan ng pag-aaral na sa kabila ng katandaan ng karakter ni Malou bilang Silay ay nagawa pa ring makapag-aral sa tulong ng gobyerno.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Francine Diaz (@francinesdiaz)


Tatalakayin din sa pelikula ang mga nagaganap na bullying sa school at isa na nga riyan ang naranasan ni Silay nang magsimula na siyang maging high school student uli.

Pero siyempre, ipakikita rin sa “Silay” kung anu-anong pagbabago ang mangyayari sa mga karakter na bumubuo sa pelikula.

Basta ihanda n’yo lang ang inyong mga kalooban sa plot twist ng movie na mangyayari bago mag-ending dahil siguradong ikabibigla n’yo rin ito.

Sa ngayon ay wala pang eksaktong date kung kailan ipalalabas sa mga sinehan ang “Silay” pero ayon sa producer nitong si Rachelle Umandap ng Mace Ascending Entertainment Productions, una muna nila itong ipalalabas sa mga school.

At tama naman dahil para talaga sa mga estudyante, mga magulang at teacher ang “Silay”, lalo na ngayong tila nakalalimot na ang marami sa mga kagandahang-asal.

In fairness, humanga ang members ng media kay Francine dahil kahit hindi siya ang pinakabida ay ginawa pa rin niya ang pelikula dahil naniniwala siya sa adbokasiya ng buong produksyon.


Nagpapasalamat nga siya sa producer ng “Silay” na si Rachelle Umandap ng Mace Ascending Entertainment dahil siya ang naisip na kunin para gumanap na apo ni Malou.

Inamin ng dalaga na inatake siya ng nerbiyos nang una silang magkita ng veteran actress, “Ako po honestly, kinabahan po ako nu’ng unang nakita ko si Tita Malou.

“Given na mas matagal po kayo sa akin sa industriyang ito, iba po ang pressure na makasama kayo sa isang eksena,” aniya.

“It’s an honor po for me para mashare ang big screen with Tita Malou,” dagdag ni Francine.

Para naman kay Malou, “Masaya, iba rin kasi ang energy na ibinibigay ng bata. She’s in the zone.

“Balanse, ‘yung natural, ‘yung unawa du’n sa script, sa teksto, at ‘yung sensibility,  receptive naman siya at bumabato,” aniya pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kasama rin sa cast ng “Silay” sina Ramon Christopher, Yul Servo, Long Mejia, Rob Sy, Krista Miller, Joni Mcnab, Jervin Mendoza, Rain Perez, Emilio Garcia at introducing sina Merab Soriano, Russel Umandap, Pao Umandap at Jopher Martin.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending