Angelika naiyak sa kasal nina Mika at Nash sa Tagaytay

Angelika naiyak sa kasal nina Mika at Nash sa Tagaytay: I love you both!

Ervin Santiago - May 19, 2024 - 05:01 PM

Angelika naiyak sa kasal nina Mika at Nash sa Tagaytay: I love you both!

Angelika dela Cruz, Naash Aguas at Mika dela Cruz

PAREHONG naging emosyonal ang celebrity couple na sina Nash Aguas at Mika dela Cruz habang ikinakasal sa isang bonggang events place sa Tagaytay City.

Hindi napigilan ng bagong kasal ang maluha nang magpalitan ng “I do” kahapon, May 18 sa Adriano’s Events Place and Prayer Garden saTagaytay City.

Pero siyempre, kung may isang tao na talagang super happy sa pagpapakasal ng mga dating “Goin’ Bulilit” stars, yan ay walang iba kundi ang nakatatandang kapatid ni Mika na si Angelika dela Cruz.

Baka Bet Mo: Nash Aguas umalma sa chikang buntis ang dyowang si Mika dela Cruz

Sa isang video na napanood namin, kitang-kita ang pag-iyak at pagpapahid ni Angelika ng kanyang luha habang naglalakad patungong altar ang kanyang kapatid.

Sa nasabi ring video mapapanood ang maluha-luhang groom nang sa wakas ay makita na niya ang pinakahihintay na bride. Nang bumungad na sa harapan niya ang mapapangasawa at ang lahat ng kanilang bisita ay napaiyak na rin si Mika.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by 𝓐𝓷𝓰𝓮𝓵𝓲𝓴𝓪 𝓭𝓮𝓵𝓪 𝓒𝓻𝓾𝔃💜🇵🇭 (@angelikadelacruz)


Sa kanyang Instagram page, nag-post si Angelika ng isang wedding photo nina Nash at Mika na may caption na, “I love you both (emojis).”

Sa lahat ng kanyang panayam, palaging ibinabandera ni Mika ang closeness nila ng kanyang ate at napi-feel din niya kung gaano siya kamahal nito.

“Ramdam na ramdam ko. Eighteen years ang agwat namin so, parang puwede na niya kong maging anak, e,” sabi ni Mika about her sister.

“Wala, iba ang pag-aalaga niya sa akin, iba ang pagiging protective niya sa akin,” aniya pa.

Baka Bet Mo: Nanay ni Mika dela Cruz natawa lang sa tsismis na nabuntis ni Nash Aguas ang anak

Hindi rin daw naging overprotective sa kanya si Angelika lalo na pagdating sa lovelife, “Hindi naman po, inspired naman po ako. Okey rin naman po sa kanila yung inspirasyon lang.”

“Si Ate, ang palaging sinasabi niya lang sa akin, just be yourself. Kasi palagi akong kinakabahan, palagi akong, ‘Baka hindi ako magustuhan. Baka hindi matuwa sa akin. Baka hindi ma-appreciate ang talent ko.’

“Pero sa kanya naman, ‘Just be yourself.’ Kung makita nila kung paano ka sa totoong buhay, magugustuhan ka nila. At saka, focus, yun ang palagi nilang sinasabi sa akin.

“Huwag kang matakot sa kahit ano, basta focus ka sa trabaho mo at huwag kang makikinig sa ibang tao, yun po,” aniya pa hinggil sa mga paalala ng kapatid.

Narito naman ang ilan sa mga comments ng ating mga ka-BANDERA sa kasalang Nash at Mika.

“Congratulations to both of you. Hay…. ang tanda ko na pala talaga. Feeling ko kahapon lang pinapanood ko lang kayo sa going bulilit.”

“Idol ko mga bulilit married na lovelovelove lng kau ha.”

“Sana di kau mg hiwalay gaya Ng iba. Stay Strong  together po.”

“Dati aliw na aliw ako sa kanila . paborito q sila tpos ngayon KASAL na yong bulilit na pinapanood q tpos ako eto NGANGA padin hanggang ngayon. congrats. newly weds. Mapapa sana all nlng tayo nilapasan na tayo nang mga bata na kinaaaliwan natin noon.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Congratulations. tandaan nyo Ang mga salitang sinumpaan nyo ha. TILL DEATH DO US PART. GOD bless you both always.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending