Pageant fans na-bad trip sa mga sablay sa Miss Universe PH 2024 prelims
NAPALITAN ng pagkabwist ang excitement ng mga pageant fans para sa naganap na Miss Universe Philippines 2024 preliminary competition.
Ito’y dahil sa sunud-sunod na delay at glitches sa ipinangakong telecast ng MUPH Organization para sa preliminary interview ng mga official candidate.
Naganap ang preliminary competition last Sunday, May 19, sa Manila Hotel pero bago pa ito magsimula, inihayag na ng MUPH Organization na hindi ito mapapanood nang live at magkakaroon lamang ng delayed telecast kahapon, May 20.
Baka Bet Mo: Celeste Cortesi rumampa bilang Darna sa Miss Universe 2022 National Costume preliminary competition
Dagdag dito, ang interview daw sa mga kandidata ay mapapanood sa Empire.PH YouTube channel kahapon ng tanghali habang ang preliminary gala night ay ii-stream ng 6 p.m..
View this post on Instagram
Dito nga na-bad trip ang mga Pinoy pageant fans. Komento ng isang netizen, “Announcing this too late shows how you guys are being so inconsiderate to the pageant fan’s time.
“What’s the difference between doing a livestream and having it pre-taped anyways? It takes the excitement out!” dagdag pa niya.
Nagreklamo rin ang ilang netizens sa mga organizer dahil hindi rin sila nagkaroon ng access para matutukan ang preliminary competition.
Napanood naman ang delayed telecast ng preliminary interviews kahapon ng 12:50 p.m. (sa halip na 12:30) sa livestream ng Empire.PH.
Baka Bet Mo: Herlene Budol makabawi kaya sa Miss Grand Philippines preliminaries?
Dito, sumabak ang mga kandidata sa patalinuhan at pabonggahan ng sagot sa mga tanong ng panel of judges tungkol sa kanilang personal life, pageant journey, pati na ang mga ipinaglalaban nilang advocacy.
Sinagot din nila ang tanong na, “why they deserve to be the next Miss Universe Philippines?”
Bigla namang naputol ang livestream dakong 1:30 p.m. kaya naman nabwisit na naman ang pageant fans kasabay ng reklamo sa sound quality ng telecast kaya hirap silang maintindihan ang sagot ng mga candidates.
Bukod dito, kinuwestiyon din nila King bakit naka-set sa “private” ang video ng preliminary competition.
Pagsapit naman ng 3 p.m., naglabas ng mensahe ang MUPH organizer at humingi ng paumanhin sa “technical difficulties” during the airing of prelim interviews. Anila, re-uploaded na raw ang buong video sa Empire.PH YouTube channel.
View this post on Instagram
Ayon sa mga netizens, sana raw ay hindi ito mangyari sa grand coronation night ng Miss Universe Philippines 2024 na magaganap bukas, May 22, 8 p.m. sa Mall of Asia Arena, Pasay City.
This year, maglalaban-laban ang 53 kandidata mula sa iba’t ibang panig ng bansa para sa titulong ipapasa ng reigning Miss Universe Philippines na si Michelle Dee na umabot sa Top 10 ng Miss Universe 2023.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.