Heart proud sa pagiging Senate Pres ni Chiz, bongga ang OOTD!

Heart super proud sa pagiging Senate Pres ni Chiz, agaw-eksena ang OOTD

Ervin Santiago - May 21, 2024 - 12:03 PM

Heart super proud sa pagiging Senate Pres ni Chiz, agaw-eksena ang OOTD

Chiz Escudero at Heart Evangelista

PROUD wifey ang Kapuso actress na si Heart Evangelista matapos bumandera ang pagkaka-elect kay Sen. Chiz Escudero bilang bagong Senate President.

Kahapon, pormal nang nanumpa ang husband ni Heart sa bago niyang posisyon sa Senado kung saan nakasama nga niya ang asawang si Heart.

Baka Bet Mo: Chiz Escudero inulan ng tukso sa Senate session, nag-iba raw ang aura dahil kay Heart: ‘We believe in second chances’

Sa kanyang Instagram Stories, ibinahagi ng tinaguriang Kapuso Global Fashion Icon ang isang video clip na kuha sa oath-taking ceremony ni Chiz na pinangunahan ni Sen. Mark Villar.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Heart Evangelista (@iamhearte)


Makikita sa naturang video si Heart na nakatayo sa tabi ng kanyang asawang senador habang ito’y nanunumpa bilang Senate President.

As usual, agaw-eksena na naman ang Kapuso superstar sa naturang event with her brown coat and trousers na tinernuhan ng kanyang brown clutch and gold dangling earrings.

Pinalitan ni Sen. Chiz si Sen. Juan Miguel Zubiri matapos itong mag-resign as Senate president kahapon nang dahil sa ilang isyu sa liderato ng House of Representatives.

Baka Bet Mo: Heart, Chiz may pinagdaraanan bilang mag-asawa, totoo nga kayang naghiwalay na?

Sa kanyang Instagram page, nag-post ng kanyang mensahe ang senador, “Isang napakalaking karangalan ang makapagsilbi bilang ika-25 na pangulo ng Senado.

“Nagpapasalamat ako sa tiwala at pagkakataon na ibinigay sa akin ng ating mga kapwa senador upang pamunuan ang Senado.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Chiz Escudero (@escuderochiz)


“Makakaasa kayo na sa aking pamumuno, ipagpapatuloy natin ang pagsasabatas ng mga panukalang nagsusulong na maiangat ang buhay ng bawat Pilipino.

“Magiging katuwang tayo ng Executive Branch sa paninilbihan upang paunlarin pa ang ating Inang Bayan.

“Nais ko ring magpasalamat at magbigay pugay sa aking predecessor na si Senator Juan Miguel Zubiri sa mga nakamit ng Senado sa ilalim ng kanyang liderato,” ang buong message ni Sen. Chiz.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nag-reply naman dito si Heart, “Mr Senate President @escuderochiz. I am so proud of you!”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending