Hugot ng bashers: Ano bang magagawa ni Tito Sotto bilang senate president? | Bandera

Hugot ng bashers: Ano bang magagawa ni Tito Sotto bilang senate president?

Cristy Fermin - May 24, 2018 - 12:30 AM


NATURAL, masarap na target ng mga bashers ngayon si Senator Tito Sotto, sino nga ba ang mag-aakala na mararating pala niya ang ikatlong pinakamatayog na puwesto sa ating bansa ngayon?

Hinirang na Senate President ang aktor-komedyante-musikero, siya ngayon ang ikatlong pinakamakapangyarihang pinuno sa ating bayan pagkatapos ng pangulo at ikalawang pangulo, bakit nga naman hindi siya hihilahin pababa ng mga taong walang magandang magawa sa buhay d’yan?

Minemenos ng mga bashers ang kakayahan ni Tito Sen, ano raw ba ang magagawa ng isang tagapamuno ng Senado na galing lang sa industriya ng pagpapatawa, hindi raw kaya maging katawa-tawa lang ang Senado ngayong siya na ang pangulo?

Pagkatapos nang mahigit na dalawang dekada sa mundo ng paglilingkod sa ating mga kababayan ay hindi dapat maliitin ang kapasidad ni Senador Sotto.

Hindi siya perpektong lingkod-bayan, pero ang mga pinagdaanan niyang pagseserbisyo ay hindi madaling sundan ng mga susunod pa sa kanyang henerasyon, serbisyong mula sa puso ang ibinahagi ni Senador Tito sa kanyang mga kababayan.

At huwag maliitin ang kapasidad ng mga artista. Ang kanilang paglilingkod ay may kakambal na pusong nagmamahal. Hindi dapat nilalagyan ng tatak ang mga artistang pumapasok sa mundo ng pulitika dahil kadalasan ay sila pa nga ang mas may nagagawang makabuluhan kesa sa mga tradisyonal na pulitiko d’yan.

Kaya bakit hindi dapat maluklok bilang Senate President si Tito Sen?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending