4 na bagong housemates ni Big Brother pasok na sa 'PBB Connect' | Bandera

4 na bagong housemates ni Big Brother pasok na sa ‘PBB Connect’

Reggee Bonoan - December 01, 2020 - 05:01 PM

IPINAKILALA na ang dalawa pa sa lucky 14 housemates na papasok sa Bahay ni Kuya para sa “Pinoy Big Brother Connect.”

Kanina sa “It’s Showtime” sa pamamagitan ng zoom ay humarap sa publiko ang solid Kapamilya fan na si Jie-Ann Armero, 16, na tinaguriang Kwelang Fangirl ng Saranggani.

Ayon kay Jie-Ann, paborito niya sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla kaya naman lahat ng proyekto ng dalawa ay nasubaybayan ng dalagita.

Sabi nga ni Vice Ganda, “Isang simpleng dalagita.”

“From Saranggani province,” say naman ni Kim Chiu.

Tinagurian namang Charmer Striker ng Parañaque si Kobie Brown mula Manchester, UK,17, at kasalukuyang naninirahan sa Parañaque. Malayo siya ngayon sa pamilya kaya miss na miss na niya ang mga ito ba humiling din ng panalangin para sa kanya.

Halatang kabado si Kobie sa pagharap kina Kim at Vice pero mas kinabahan yata ang unang big winner ng Pinoy Big Brother dahil kung anu-ano ang nasasambit niya.

Sabi nga ni Vice, “Mamili na lang kung tayo ang mag-nose bleed o siya (Kobie).”

Say ni Kim, “Kobie enjoy inside the Pinoy Big Brother house.”

Anyway, naunang ipinakilala si Andrea Abaya, 18, nitong Lunes na isang cheerleader since high school and college at nakuha siya bilang miyembro ng Pep Squad ng Dela Salle Uiniversity

Hindi na bago si Andrea sa paningin ng ibang tao dahil nakagawa na siya ng TV commercials at laman din siya ng social media tulad ng TikTok at Kumu.

Si Justin Joseph Dizon, 22  ang sumunod mula sa San Fernando, Pampanga at nagtapos ng kursong AB Communications.

Nakikinita na namin kay Justin na mukhang kaiinisan siya ng iba dahil sa pagiging vocal niya, sabi nga niya mahilig siyang makipagdebate.

“I am not the type of person who likes to shove things under the rug, if there’s an issue, let’s talk about it.

“Representation is very important. It’s already 2020, there is so much discrimination. Useful lang ang gay pag katatawanan ang pag-uusapan, but when it comes to serious topics like human rights, the discussion suddenly shifts,” say ng binata.

Sakto nga dahil may mga basher na siya sa Twitter, “Even before PBB marami na akong bashers, a lot. My motto was this, this is not original I just heard it from somewhere: to make patol is human, to make deadma is divine,” ani Justin.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Subaybayan ang  nalalapit na pagbubukas ng Bahay ni Kuya ngayong Linggo (Dis. 6), na mapapanood sa Kumu, A2Z Channel 11, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, iWantTFC, ABS-CBN Entertainment Channel, at sa mga opisyal na social media account ng PBB.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending