PBB ng ABS-CBN lilipat na raw sa GMA 7 truth or charot?

PBB ng ABS-CBN lilipat na raw sa GMA 7: Truth or charot?

Ervin Santiago |February 21,2024
facebook
share this

PBB ng ABS-CBN lilipat na raw sa GMA 7: Truth or charot?

Ervin Santiago - February 21, 2024 - 01:12 PM

PBB ng ABS-CBN lilipat na raw sa GMA 7 truth or charot?

Bahay ni Kuya

POSIBLE nga kaya ang chika na sa GMA 7 na mapapanood ang pagbabalik ng reality search ng ABS-CBN na “Pinoy Big Brother” o “PBB”?

Isa iyan sa mga showbiz ganap na nagpapasakit ngayon sa ulo ng ating mga ka-Marites all over the universe.

Ayon sa mga naglalabasang balita, magbubukas daw uli very soon ang sikat na sikat pa rin ngayong Bahay ni Kuya at ang usap-usapan sa apat na sulok ng kashowbizan, mapapanood na ang “PBB” sa Kapuso Network.

Sa latest episode ng “Showbiz Update” vlog ng content creator na si Ogie Diaz, baka raw magsanib-pwersa ang ABS-CBN at GMA 7 para sa pagbabalik ng naturang reality show sa telebisyon.

Baka Bet Mo: Ruru Madrid binansagang ‘Trending King’; hataw na sa Lolong, nagba-viral pa sa ‘Running Man PH’

“Ayaw kong ikumpirma ‘yan. Hintayin natin kung may sasabihin sila. Pero maganda ‘yan kung magsasanib-pwersa. Parang ‘Unbreak My Heart,’” ang pahayag ng Papa O.

Pagpapatuloy pa ng talent manager at online host, “Nakakatuwa kung magkakatuluyan ang GMA at ABS-CBN again. Studios na ang ABS-CBN kaya ABS-CBN Studios.

“Kasi siyempre ang ABS-CBN walang prangkisa. So, content creator din sila. Nagpo-produce rin sila ng mga teleserye,” dugtong pa niya.

“Nakiki-merge sila with TV5, with GMA. Gano’n ang uso ngayon. Lalo na may platform din sa digital ang ABS-CBN, ‘yong iWant TV at iWantTFC,” sey pa ni Papa O.

Baka Bet Mo: Anne Curtis magbabalik na sa ‘It’s Showtime: See you madlang people!

“Iyan ang abangan natin. Ayaw ko namang magmarunong dito. Basta ‘yon lang ang nakarating sa akin. Hindi ko naman alam kung confirmed,” dagdag ni Ogie.

Hirit naman ng kasamahan nila sa show na si Mrena, “Kuya, kakaganyan mo, e, ‘no? Kaka-confirm-confirm mo ang ending confirmed naman pala.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kung matatandaan, ang last edition ng “PBB” sa ABS-CBN ay ang “Kumunity Season 10” na umere noong 2021 hanggang 2022. Nagsimula naman ang naturang reality show noong 2005.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending