Anne Curtis magbabalik na sa 'It's Showtime: See you madlang people! | Bandera

Anne Curtis magbabalik na sa ‘It’s Showtime: See you madlang people!

Therese Arceo |May 28,2022
facebook
share this

Anne Curtis magbabalik na sa ‘It’s Showtime: See you madlang people!

Therese Arceo - May 28, 2022 - 08:18 AM

Anne Curtis magbabalik na sa 'It's Showtime: See you madlang people!
KUMPIRMADO na ang pagbabalik ng nag-iisang dyosa na si Anne Curtis sa noontime show na “It’s Showtime”.

Ang naturang balita ay ibinahagi na ng TV host-actress ang kanyang comeback nitong Biyernes, May 27, sa kanyang mga social media pages.

“This time. Tomorrow. FINALLY. See you MADLANG PEOPLE!” caption ni Anne sa kanyang post na may hashtag pang “#ANNEditoNaSaShowtime”.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Anne Curtis (@annecurtissmith)

Sa video ay mapapanood ang ina ni Dahlia na nasa helipad ng ABS-CBN Building, bumaba ng hagdan at naglakad papuntang “It’s Showtime” studio.

Mahigit dalawang taon ring hindi napanood si Anne sa naturang noontime show matapos itong magpaalam pansamantala dahil sa kanyang pagbubuntis sa first baby nila ni Erwan Heussaff.

Natapat rin na nagkaroon ng COVID-19 pandemic kaya hindi rin nakauwi ang aktres sa Pilipinas at nanatili sa Australia kung saan siya nanganak.

Labis rin ang excitement na nararamdaman ng Unkabogable Star na si Vice Ganda sa muli nilang pagsasama ni Anne sa “It’s Showtime” stage.

Sa kanilang segment na “Showtime Sexy Babe” ay napag-usapan nila Vice kasama sina Vhong at Ogie ang mangyayaring pagbabalik ng aktres at sinabing two weeks daw nag-prepare para sa production number ng nag-iisang dyosa sa kanyang pagbabalik.

Maski sa kanyang Twitter account ay inihayag niya ang kanyang nadarama.

“Showtime welcomes back @annecurtissmith chumorow. Excited much!!!” sey ni Vice.

Ni-retweet naman ito ni Anne at nireplyan ng “See you sisterette!”

Kaya naman paniguradong abang na abang na ang madlang pipol sa magiging pasabog sa “It’s Showtime” ngayong Sabado dahil for sure ay hindi magpapakabog ang mga ito sa pagbabalik ng nag-iisang dyosa.

Related Chika:
Anne Curtis muling nakipagkulitan sa ‘It’s Showtime’ family, balik noontime show na kaya?

Anne Curtis inilantad na rin ang tunay na ‘kulay’ sa politika

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Anne Curtis magbabalik na sa ‘It’s Showtime’: AbangANNE!

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending