Aktres natikman ng matandang male personality, give ng bahay

Aktres natikman ng matandang male personality, give ng house & lot

Ervin Santiago - May 20, 2024 - 12:05 AM

Aktres natikman ng may edad nang male personality, give ng house & lot

Guess, guess who!?

NAKAKALOKA ang rebelasyon ng ating source tungkol sa female celebrity na binigyan ng bonggang bahay ng isang kilalang personalidad.

Ang chika, niregaluhan daw ng kilalang male personality na may katandaan na ngayon, si sikat na female celebrity ng bagong-bagong house and lot.

Kuwento ng ating mapagkakatiwaang source, ang bahay at lupa raw ang isa sa mga naipangakong bayad ng lalaking personalidad nang magkasama at magka-bonding sila ng female star.

Yes, yes, yes mga ka-Marites! Tama ang iniisip ng malilisyoso nating mga friendship.

Baka Bet Mo: Aktres naloka sa natuklasan kay aktor nang magchurvahan, ‘dyutay’ daw

Natikman nga ng lalaking personalidad ang kilalang babaeng celebrity kaya naman talagang give siya nang give sa lahat ng gustihin ng girlalu.

“Hindi ko lang alam kung yung unang encounter nila ay nasundan pa nang nasundan pero ang chika, type na type raw ni ____ (male personality) kaya hindi siya tumigil hangga’t hindi niya nakuha ang gusto niya.

“Kering-keri naman kasi niyang ibigay ang lahat ng hilingin ni ____ (female celeb) dahil super rich ang lolo mo! Maning-mani lang sa kanya yung bagong bahay, no!” sabi pa ng ating source.

At ito pa, knows daw ng nanay ni female star ang namagitan sa kanyang anak at sa super yaman na personalidad pero mukhang dedma lang si maderaka.

Sabi naman ng ating source, baka raw pinababayaan na lang ni mommy ang mga diskarte ng kanyang dyunakis dahil may sariling isip na raw ito.

In fairness, hindi naman nawawalan ng trabaho ang female star na bida sa blind item na ito pero hindi rin naman masyadong bumebenta sa publiko ang mga ginagawa niyang proyekto.

Baka Bet Mo: Direktor awang-awa kay sikat na male celeb dahil binu-bully noon ng insecure na aktor

Sey nga ng ating source, “Feeling ko hindi na rin ganu’n kalaki ang kinikita niya sa pag-aartista kaya pumayag na siyang makipagchurva sa lolo mo. Imagine nga naman, sandaling oras lang may house and lot na siya!”

Dagdag chika pa ng source nating pwedeng maging principal ng mga Marites, “Parang nakikita kong wala na siyang bonggang future sa pag-arte dahil hindi rin naman siya kagalingang aktres.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nakakaloka! Ang sakit mo namang magsalita friendship! Ha-hahahaha! O, guys, wala munang clue ha! Pero feeling ko knows n’yo na kung sino ang bida sa ating blind item.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending