Juday nadulas, Angelica buntis na sa 2nd baby nila ni Gregg?

Juday nadulas daw, Angelica buntis na sa 2nd baby nila ni Gregg?

Ervin Santiago |April 23,2024
facebook
share this

Juday nadulas daw, Angelica buntis na sa 2nd baby nila ni Gregg?

Ervin Santiago - April 23, 2024 - 12:10 AM

Juday nadulas daw, Angelica buntis na ba sa 2nd baby nila ni Gregg?

Ryan Agoncillo, Judy Ann Santos, Gregg Homan at Angelica Panganiban

ANG nagkakaisang tanong ng madlang pipol ngayon: pregnant na nga ba si Angelica Panganiban sa second baby nila ng asawang si Gregg Homan?

Iyan ang usap-usapan sa social media ng mga netizens matapos mapanood ang isang video na kuha sa reception ng ikalawang wedding nina Angelica at Gregg.

Baka Bet Mo: Squad Plus member Renshie suportado ang LGBTQ: Walang mali kung gay o bisexual ka

Naka-upload ang naturang video sa fanpage na Judy Ann Santos—The Prime Superstar kung saan masayang nagchichikahan sina Angelica, Gregg, Juday, ang asawang si Ryan Agoncillo, at ang mga beauty doctor na si Aivee Teo.


Narito ang naging usapan ng grupo na maririnig sa video.

Angelica: “May forever na din ako…”

Juday kay Dr. Aivee: “May apo na siya…”

Juday kay Angelica: “May plus one na…”

Ang inilagay naman na caption ng nag-upload ng video sa naturang fan page, “Ay nadulas si Angge.”

Feeling ng mga netizen, ang usapan nina Juday ay ang tungkol sa pagdadalang-tao muli ni Angelica sa second baby nila ni Gregg. Ibig sabihin, mukhang magiging ate na ang panganay nilang si Amila Sabine.

Pero may mga nagsabi naman na ang plus one na sinasabi ni Juday ay si Gregg bilang mister nito. Narito ang ilang reaksyon ng mga nakapanood sa video.

“Pagkakaintindi ko ang plus 1 ung bago pa talaga nagka baby tapos my bean na cla db..hehe di ko gets agad ang plus 1..HAHAHA juntis na pla..congrats again.”

“Wow congrats angelica another blessings yan eh.”

“Congrats sa bagong baby darating sa #homansfamily.”

“Di ko na intindihan. pero basta masaya sila at ang gaganda nila sa mga white dress nila.”

Baka Bet Mo: Angelica, Gregg kasado na ang kasal next year, nagpadala na ng ‘save-the-date’ sa mga kapamilya, kaibigan

“Ang plus 1 po na tinutukoy ni juday ay si greg. pero if ever man na preggy ulit si angge, okay lang naman. Pero ang dami nya pang nainom nung gabing yan so parang di naman siguro sya magwawalwal kung buntis sya.”

“Pagkarining KO may forever na din daw sya.sana all may forever congrats best wishes both.saya say nila.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Judy Ann Agoncillo (@officialjuday)


“Plus One in my understanding She now has the better half in Life finAlly. pde din +1 preggy xa.whatever it is you can see to Ms Angge ung genuine happiness nia. Finally after long heartbreaks shes now happily married into the rightman. super deserve.”

Habang sinusulat namin ang chikang ito ay wala pang ginagawang kumpirmasyon si Angelica.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Dalawang beses nang ikinasal sina Angelica at Gregg, bago ang beach wedding nila sa Siargao last April 20, nagpakasal muna sila sa Los Angeles, California, USA, noong December 31, 2023.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending