Juday kay Angelica: Nandito lang ang mga Agoncillo...

Juday kay Angelica: Nandito lang ang mga Agoncillo para sa pamilya Homan

Ervin Santiago |April 22,2024
facebook
share this

Juday kay Angelica: Nandito lang ang mga Agoncillo para sa pamilya Homan

Ervin Santiago - April 22, 2024 - 02:46 PM

Juday kay Angelica: Nandito lang ang mga Agoncillo para sa pamilya Homan

Angelica Panganiban, Judy Ann Santos

SUPER touched ang mga fans at netizens sa heartwarming message ni Judy Ann Santos para sa mag-asawang Angelica Panganiban at Gregg Homan.

Pagkatapos ng beach wedding nina Angelica at Gregg sa napakagandang isla ng Siargao nitong nagdaang Sabado, April 20, ay nag-post ng mensahe si Juday para sa mag-asawa.

Ito ang ikalawang beses na pagpapakasal ng married couple na dinaluhan ng kanilang mga celebrity friends at mga non-showbiz na kapamilya at mga kaibigan.

Isa nga sa mga nag-effort na nagpunta ng Siargao ay si Judy Ann para personal na ma-witness ang kasalan ng kanyang mga kaibigan.

“Ramdam na ramdam ko ang kaligayahan ng puso mo… napakasaya ko para sayo mahal kong Cindy (two red heart emojis),” ang bahagi ng caption ni Juday sa kanyang IG post.

Baka Bet Mo: Angelica sinigurong hindi sasaktan ng dyowa: Alam ko naman sa simula, sakit ng ulo ito pero nilalaban ko

Dagdag pa niya, “Andito lang ang pamilya Agoncillo palagi para sa pamilya Homan.. mahal na mahal namin kayo.”

Nagkomento naman agad si Angge sa pagbati ni Juday sa kanila ni Gregg,  “Looove you pamilya Agoncillo (red heart emoji).”

Narito ang ilan sa mga nabasa naming comments ng netizens sa inspiring message ni Juday para kina Angelica at Gregg.

“Ang sweet ng ate.”

“Nakakaiyak nmn we love u anggie congratulations.”

Mas naging close pa sina Judy Ann at Angelica nang gawin nila ang pelikulang “Ang Dalawang Mrs. Real” noong 2018 mula sa Star Cinema.

Unang nagpakasal sina Angelica at Gregg sa Amerika noong New Year’s Eve. Ibinalita ito ni Angelica sa kanyang Instagram noong January 1, 2024.

“Patuloy na mananalig at maniniwala sa pag-ibig. Sa kabila ng lahat. Ang pagmamahal pa rin ang kakapitan. Maligayang bagong taon – Mrs Angelica Panganiban Homan,” ang caption ni Angelica sa kanyang Instagram post.

Isinilang naman ang first baby nilang si Baby Bean noong September, 2022. Sabi ni Gregg habang nasa tiyan pa ni Angelica ang kanilang anak sa isa nilang vlog, “Hi baby Bean, it’s your dad here. You’re still in your mommy’s belly and you’re about four months old now.

“I’m making this video for you because I want you to know that daddy’s very nervous because he’s gonna ask your mommy to marry him today.

“Daddy loves mommy very much and [I] want to spend our lives together so I hope everything goes well,” aniya pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Bean waiting for you all my life,” ang mensahe naman ni Angelica matapos ipanganak ang kanilang baby.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending