Darren 1 year naging dyowa ni Kyline, bakit naghiwalay?

Darren umaming 1 year naging dyowa si Kyline, bakit naghiwalay?

Ervin Santiago |April 16,2024
facebook
share this

Darren umaming 1 year naging dyowa si Kyline, bakit naghiwalay?

Ervin Santiago - April 16, 2024 - 11:05 AM

Darren umaming 1 year naging dyowa ni Kyline, bakit naghiwalay?

Darren Espanto at Kyline Alcantara

CONFIRMED! Naging magdyowa nga ang singer-actor na si Darren Espanto at si Kapuso star Kyline Alcantara na tumagal nang isang taon.

Iyan ang rebelasyon ni Darren nang matanong kung ano ba talaga ang naging relasyon nila ni Kyline at inulan sila ng tukso nang muling magkita sa isang episode ng “It’s Showtime“.

Sa guesting ng binata sa “Fast Talk With Boy Abunda” kahapon, April 15, ay natanong nga siya tungkol sa estado ng relasyon nila ni Kyline at sa isa pang Kapuso youngstar na si Jillian Ward.

Pasakalye ni Tito Boy, “Doon sa pangalawang sini-ship sa yo, I’m talking about Kyline, what is the true story? Sabihin mo sa akin ang totoo. Naging kayo?”

Baka Bet Mo: Ogie Diaz sa viral video nina Piolo at Darren: Wala tayong dapat isipin na masama

Paliwanag ni Darren, “Hindi ko po masagot ng yes or no kasi it was, like, parang puppy love kind of thing lang po yon.”

“But there was?” ang sundot na tanong ng premyadong TV host kay Darren.

Tugon ng bagong host ng “It’s Showtime”, “Opo, before we were younger.”

Ito raw ang dahilan kung bakit tinuksu-tukso sila ni Vice Ganda sa “It’s Showtime” nang mag-guest si Kyline sa programa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Yun nga po na tinutukso kami na, ‘Kasi nga…kasi nga, naging kami dati. Ayun po kaya kami binibiro ni Ate Vice,” pag-amin ni Darren.

Patuloy na tanong ni Tito Boy, “Gaano kayo katagal?”

“Like a year, I think. Kaya po kami very comfortable (sa isa’t isa),” tugon uli ng aktor at singer.

Dagdag na rebelasyon ni Darren, hindi naging maganda ang breakup nila ni Kyline pero pagkalipas ng ilang taon ay nagkaroon sila ng chance na makapag-usap uli hanggang sa magkapatawaran.

Baka Bet Mo: Darren: Kami po ni Cassy we are very close, alam namin ang lahat ng tungkol sa isa’t isa…

Sey ni Darren, “Nagkahiwalay kami because of some misunderstanding. And then, when we both matured, parang six years later, napag-usapan na namin.

“Eventually, we became okay with each other again at naging friends na ulit kami,” aniya.

Wala raw third party sa paghihiwalay nila ni Kyline, “More on misunderstandings talaga. Kasi siyempre mga bata, parang konting petty na away.”

Parehong na-link sina Darren at Kyline sa kambal na sina Cassy Legaspi at Mavy Legaspi. Nagkaroon ng espesyal na relasyon bilang special friends sina Cassy at Darren habang si Kyline naman ay naging dyowa si Mavy.

Kamakailan, sa interview ng “24 Oras” kay Mavy, nabanggit nito na wala siyang isyu sa panunukso kina Darren at Kyline.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“I have no problem kasi Darren and I are very close friends. Again, what you see on TV is what you get. Pero behind closed doors, nagme-message message kami ni Darren, so we’re very good,” sabi ng twin brother ni Cassy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending