Ogie Diaz sa viral video nina Piolo at Darren: Wala tayong dapat isipin na masama | Bandera

Ogie Diaz sa viral video nina Piolo at Darren: Wala tayong dapat isipin na masama

Therese Arceo |October 28,2023
facebook
share this

Ogie Diaz sa viral video nina Piolo at Darren: Wala tayong dapat isipin na masama

Therese Arceo - October 28, 2023 - 06:44 PM

Ogie Diaz sa viral video nina Piolo at Darren: Wala tayong dapat isipin na masama

NAGBIGAY ng pahayag ang talent manager at komedyanteng si Ogie Diaz hinggil sa diumano’y viral video ng Kapamilya stars na sina Piolo Pascual at Darren Espanto.

Usap-usapan kasi ang video ng dalawa na kalat na ngayon sa social media kung saan makikita silang nagsasayaw sa tila isang bar na binigyan ng malisya ng ilang netizens.

Ito nga ay natalakay ng talent manager sa kanyang “Ogie Diaz Showbiz Update” kasama sina Mama Loi at Ate Mrena.

Sa naturang video ay makikitang hindi naman nagsosolo ang dalawang Kapamilya stars at may iba pa silang mga kasama. May mga netizens kasi ang nagsasabi na iba ang tingin ni Papa P kay Darren.

“Itong si Darren Espanto at si Papa P. binigyan ng malisya porke natitigan lang ni Papa P si Darren Espanto habang sila ay nagsasayaw ng pababa. Tapos ayan, binigyan na ng malisya na para raw sa tinginan e may something,” lahad ni Ogie.

Dagdag pa ni Mama Loi, ayon sa netizens, parang may iba raw “pagtatangi” ang titig ni Piolo kay Darren.

Baka Bet Mo: Ogie Diaz nanindigan sa ibinalita ukol kay Baron Geisler, walang dapat ihingi ng public apology: I stand by my story

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“So paano kung babae ‘yun? Ganoon din. Paano kung si Shaina [Magdayao] ‘yun? Ganun din,” dagdag pa ni Ogie.

Sey pa ng talent manager, parang anak-anakan na ni Piolo si Darren.

“Si Kyle Echarri nga meron silang movie e. Ganon lang. Dyusko, ilang taon na si Iñigo, parang ganoon lang rin,” chika pa ni Ogie.

Ang Iñigo na tinutukoy niya ay ang anak nitong si Iñigo Pascual.

“Ibig sabihin ‘pag inakbayan ko yung isang artistang gwapo na lalaki mayroong pagtatangi na ako? Di ba pwedeng anak-anakan lang?” sey ni Ogie.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pagpapatuloy pa niya, “Hangga’t hindi n’yo nakikita na nagkakatalamitam yan, wala tayong dapat na isiping masama o malisya.”

Related Chika:
Kilalang personalidad boldyak kay Ogie Diaz: ‘Wag mong lokohin sarili mo, tamad ka at ‘wag kang palaangkin ng project’

Bwelta ni Ogie Diaz sa patutsada ng tatay ni Liza: ‘Dapat nga daddy hindi ka nag-iimbita ng pang-iintriga o away’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending