Bwelta ni Ogie Diaz sa patutsada ng tatay ni Liza: 'Dapat nga daddy hindi ka nag-iimbita ng pang-iintriga o away' | Bandera

Bwelta ni Ogie Diaz sa patutsada ng tatay ni Liza: ‘Dapat nga daddy hindi ka nag-iimbita ng pang-iintriga o away’

Reggee Bonoan |October 22,2023
facebook
share this

Bwelta ni Ogie Diaz sa patutsada ng tatay ni Liza: ‘Dapat nga daddy hindi ka nag-iimbita ng pang-iintriga o away’

Reggee Bonoan - October 22, 2023 - 10:19 AM

Bwelta ni Ogie Diaz sa patutsada ng tatay ni Liza: 'Dapat nga daddy hindi ka nag-iimbita ng pang-iintriga o away'

Liza Soberano

MATINDI siguro ang gusot ni Liza Soberano at ng tita niyang si Joni Lyn Castillo na dati niyang road manager noong nasa pangangalaga pa siya ni Ogie Diaz.

Base sa kuwento ni Ogie sa “Showbiz Update” YouTube channel nila ni Mama Loi kasama si Ate Mrena na in-upload nitong Sabado ng gabi ay hindi pa nagkikita at nagkakausap sina Liza at Joni simula noong napunta na sa bagong talent management ang aktres.

“Pinabulaanan ‘yan ni Tita Joni na siya na ang magma-manage hindi nga raw sila nagkikita ni Liza at hindi rin sila nag-uusap. Meron silang negosyo at ang ipinapakausap ni Liza sa Tita Joni niya ay representative niya,” kuwento ni Ogie.

Singit naman ni Mama Loi, may nabasa siyang Facebook post ni Joni na nagsasabing, “You remembered everything? Sana natatandaan mo din na sinabi ko sa ’yo, padating ng panahon na makarating ka sa taas ‘wag na ‘wag mo akong babanggain dahil ako rin ang magpapabagsak sa ’yo.’ Si Liza kaya ang tinutukoy niya rito?”

Opinyon ni Ogie, “Kasi kilala ko si Tita Joni, hindi naman siya naggaganyan cryptic-cryptic post pero tapos itim pa ‘yung background. Ayaw kong pangunahan si Tita Joni hayaan natin siyang magsabi niyan kasi baka mali rin ang interpretasyon natin diyan.

Baka Bet Mo: Tita Joni sinupalpal ang kumukwestiyon kung bakit kumukuha siya ng komisyon kay Liza: Ako po’y hindi mukhang pera

“Sana lang mag-usap sina Tita Joni at Liza or bigyan ni Liza ng pagkakataon ang sarili niya na kausapin ang kanyang tita dahil sa pagkakaalam ko ay nagkatulungan at naging malaking bahagi ng buhay ni Liza at ng kanyang career si Tita Joni.

“Dahil si Tita Joni ang talagang nag-push kay Liza para mag-artista siya saka grabe para siyang nanay ni Liza,” ani Ogie.

Mukhang may kinalaman daw ang nilipatang management noon ni Liza kaya hindi na sila nagkakausap ng tiyahin niya dahil kahit na wala na ang aktres sa manager niyang si Ogie ay may communication pa rin sila hanggang sa napunta na nga ang dalaga sa Careless.

“Kaya sinasabi ko dapat mag-usap sila kasi mayroon silang negosyo and according to Tita Joni ibang tao raw ang nakikipag-usap sa kanya imbes na si Liza ang kumausap sa kanya tungkol sa business nila kung isasara, itutuloy o ie-extend o ire-renew nila ‘yung contract.

“If I were Liza kausapin niya tita niya tutal mag-tita naman sila, pinsan ng daddy (John Castillo Soberano) at naging malaking tulay ang tita Joni niya sa kanyang buhay at career,” payo pa ni Ogie sa dating alaga.

Samantala, may binasang mensahe si Ogie mula sa kanyang source na nakapirma si Liza sa ibang kumpanya sa Hollywood (USA sa Authentic Talent & Literary Management managed by Kyle Pak) na mina-manage rin si Simu Liu at karamihan ay Asian actors.

“Ito raw Authentic Talent & Literary Management ang nagre-represent kay Liza sa Hollywood. Hindi namin ito kino-confirm ha, ito lang ang nakarating sa friend namin sa Hollywood.

“May nagsabi rin sa akin na may sister company ang Careless na nandoon daw si Liza. May nagsabi naman sa akin na binu-book niya si Liza at idinadaan sa Careless pero hindi sila nagkasarahan.  Si Liza lang naman ang makakasagot nito kung totoo o hindi.

Baka Bet Mo: Annabelle Rama maraming rebelasyon sa huling lamay para sa labi ni Ethel Ramos; Aga Muhlach matigas ang ulo, nagrebelde

‘Yung Authentic Talent & Literary Management naman ay based sa New York (USA) at may malaki silang opisina sa LA (Los Angeles) at ito’y na-establish noong 2005,” tsika pa ni Ogie.

Nabanggit pa na mukhang masaya ngayon si Liza sa kanyang career base na rin sa mga ipino-post niya sa kanyang social media account.

Anyway, bukod sa post ng Tita Joni ni Liza ay may ni-repost din ang daddy John nito sa FB na binati ng ABS-CBN ang kanyang anak. Ang caption ay, “I can’t wait ano ilalabas ng mga camp ni Cristy Permin at Ogie ngaun.”

Say ni Ogie, “Ano ilalabas namin daddy, e, di congratulations din.”

Kaya binati ng ABS-CBN News ang aktres ay dahil ipalalabas na ang pelikulang kasama ang aktres sa Hollywood movie na “Liza Frankenstein” sa Pebrero, 2024.

“Ano ba inaasahan mo daddy? Dapat nga hindi ka nag-iimbita ng pang-iintriga o away dahil wala namang umaaway kay Liza at wala ring umaaway sa ’yo? Dapat ano na lang tayo, positive lang sa buhay ‘wag na ‘yung mga ganyan na may hanash.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“At bilang dating manager ay kailangan ko pa ring tulungan ‘yung bata hindi porket nagtapos na ang relasyon (talent at manager) tapos na lahat. Saka nagbabalita kami kaya ibabalita namin ang Liza Frankenstein (sa YT channel na Showbiz Update),” payo ni Ogie sa ama ng dalaga.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending