Ogie Diaz may hamon kay Baron Geisler: Patunayan niya na siya ay totoong nagbago na | Bandera

Ogie Diaz may hamon kay Baron Geisler: Patunayan niya na siya ay totoong nagbago na

Therese Arceo |October 20,2023
facebook
share this

Ogie Diaz may hamon kay Baron Geisler: Patunayan niya na siya ay totoong nagbago na

Therese Arceo - October 20, 2023 - 02:41 PM

Ogie Diaz may hamon kay Baron Geisler: Patunayan niya na siya ay totoong nagbago na

NANINDIGAN ang talent manager na si Ogie Diaz sa kanyang naunang balita ukol sa diumanomy planong pagtanggal ng production sa aktor na si Baron Geisler sa series na “Senior High”.

Marami kasi ang nagsabing sinungaling ang talent manager at mali mali ang ibinabalita dahil sa mga naging post ni Baron na may kaugnayan sa kanyang patuloy na pagiging parte ng naturang teleserye.

Una kasing naibalita ng talent manager sa kanyang “Ogie Diaz Showbiz Update” vlog na ayon sa kanyang source, may balak ang production ng “Senior High” na tanggalin si Baron mula sa teleserye dahil muli na naman itong nagbabalik sa kanyang pag-inom.

Agad ngang naging laman ng usap-usapan ang naging chika ng talent manager lalo na’t nabanggit rin nito na may nararamdamang takot ang mga kapwa nito artists lalo na ang mga young stars sa tuwing nakakainom si Baron.

At sa latest vlog nito ay sinabi niyang may katotohanan ang kanyang naunang balita.

Saad ni Ogie, May isyu naman talaga doon at iyan ay pinaninindigan ko at pinaninindigan ng aking source na nagbabalak silang tanggalin si Baron Geisler dahil umiinom pa rin daw sa set… Yun ang isyu.

“Tayo naman ang sinasabi natin dito, sana hindi totoo. Sana ‘yun ay tikim tikim lang kaya lang kahit tikim ng alak, hindi talaga pwede sa set.”

Baka Bet Mo: Ogie Diaz kinuwestiyon kung anong background sa pagtuturo sa mga acting workshops: Dati po akong dishwasher

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Ani Ogie, natutuwa raw siya na may post si Baron na papunta ito ng set ng “Senior High” dahil tuloy tuloy ang kanyang trabaho.

“Challenge to kay Baron Geisler na patunayan niya na siya ay totoong nagbago na siya… Kapag napatunayan niya na tuloy-tuloy na ang kanyang pagbabago, e si sorry, mali ako. Mali ‘yung source ko. ‘Yun lang naman ‘yun.

“Ngayon nagpapakita si Baron ng ebidensya na siya ay nasa set, na siya ay hindi inalis so good for him dahil kahit ako rito, natutuwa. Wala lang sanang makarating ulit sa akin na ‘yung mga bata ay iniiwasan siya kapag alam nila na si Baron ay hindi naman tubig ang iniinom,” sey pa ni Ogie.

Sa huli ay sinabi niyang hinahamon niya ang aktor.

“Ako rin naman kasi, kung gusto nating hayaan so Baron na magkamali nang magkamali, e di gusto natin siyang mapariwara. E tayo rito, nagmamalasakit pa kami,” sabi ni Ogie.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Ogie Diaz walang kiyemeng pinuna ang teleseryeng ‘Linlang’: Pwedeng syonggalin na yung subplot na nagkakagustuhan sina Anji at Kice?

Anak ni Ogie Diaz maswerteng napansin ng Korean star na si Cha Eun Woo: ‘Kahit sabihin pang OA ang anak ko at least genuine…in short, wag pong bitter’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending