Ogie Diaz kinuwestiyon kung anong background sa pagtuturo sa mga acting workshops: Dati po akong dishwasher | Bandera

Ogie Diaz kinuwestiyon kung anong background sa pagtuturo sa mga acting workshops: Dati po akong dishwasher

Therese Arceo |October 19,2023
facebook
share this

Ogie Diaz kinuwestiyon kung anong background sa pagtuturo sa mga acting workshops: Dati po akong dishwasher

Therese Arceo - October 19, 2023 - 09:06 PM

Ogie Diaz kinuwestiyon kung anong background sa pagtuturo sa mga acting workshops: Dati po akong dishwasher

ALIW ang naging sagot ng talent manager-comedian na si Ogie Diaz sa isang netizen na kumuwestiyon ng kanyang kredibilidad sa pagsasagawa ng acting workshops.

Isang video clip ang viral ngayon sa social media kung saan makikita ang talent manager na nagsasagawa ng acting workshop sa grupo ng mga kabataang nagnanais pasukin ang mundo ng pag-arte.

Makikita sa naturang clip na pinapalo ni Ogie sa braso ang bawat kalahok na magsasabi ng linyang “Hay*p ka! May araw ka rin! Mabubulok ka sa impyerno!”

Umani ito ng samu’t saring komento mula sa madlang netizens. May ilang natawa, may ilang nakaintindi, may ilan namang hindi nagustuhan ang paraan niya ng pagtuturo.

Sa katunayan, isang X user rin ang nag-upload ng video ng talent manager habang nagtuturo sa isang workshop.

Baka Bet Mo: Ogie Diaz walang kiyemeng pinuna ang teleseryeng ‘Linlang’: Pwedeng syonggalin na yung subplot na nagkakagustuhan sina Anji at Kice?

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Caption nito, “Tignan: Ogie Diaz ipinakita ang workshop sa bag bitaw ng linya sa eksenang intense gaya ng sa Linlang. Mag workshop kaya ang squeak scream diva at micro mini stardust starlet na si An Ji na parang najejebs at di nakainom ng polymagma?”

Marahil ang “An Ji” na sinasabi sa tweet ay ang singer at dating “Pinoy Big Brother” housemate na si Anji Salvacion.

Matatandaang napuna ni Ogie kamakailan ang acting skills ng dalaga at ng katambal nitong si Kice sa seryeng “Linlang”.

Marami ngang netizens ang nagkomento at nagbigay opinyon sa pamamaraan ng talent manager.

“wait pero ano po background ni mama [Ogie] in terms of acting at bakit sya yung nagtuturo? Nagtheater po ba sya or actor po ba sya before naging host?” tabing ng netizen.

Napansin naman ito ng talent manager-comedian at agad na sinagot.

“Dati po akong dishwasher sa isang resto,” larong sagot ni Ogie.

Aware naman ang lahat na ilang teleserye at pelikula na rin ang naging proyekto ng komedyante.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Isa ring talent manager si Ogie at ilan sa mga sikat na artistang kanyang na-manage ay sina Liza Soberano at Vice Ganda.

Related Chika:
Anak ni Ogie Diaz maswerteng napansin ng Korean star na si Cha Eun Woo: ‘Kahit sabihin pang OA ang anak ko at least genuine…in short, wag pong bitter’

Kilalang personalidad boldyak kay Ogie Diaz: ‘Wag mong lokohin sarili mo, tamad ka at ‘wag kang palaangkin ng project’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending