Barbie kay Kyline: Hinay-hinay sa pag-ibig, wag mag-commit agad

Barbie kay Kyline: Hinay-hinay sa pag-ibig, wag mag-commit agad-agad

Ervin Santiago - July 08, 2024 - 01:00 AM

Barbie kay Kyline: Hinay-hinay sa pag-ibig, wag mag-commit agad-agad

Julie Anne San Jose, Kyline Alcantara at Barbie Forteza

ISA si Barbie Forteza sa mga masasabi naming thinking actress sa local showbiz at hindi lang siya basta talentadong artista, intelligent din siya.

Masarap kachika ang Kapuso Primetime Drama Princess during presscon or during intimate events dahil lahat ng tanong ay kaya niyang sagutin nang bonggang-bongga.

Muli rin niyang pinatunayan ang kanyang versatility as an actress sa launching movie ng tambalan nila ni David Licauco, ang “That Kind of Love” mula sa direksyon ni Catherine Camarillo. Showing na ito sa July 10.

Baka Bet Mo: Kyline Alcantara umaming pareho silang na-bully ni Belle Mariano noong nagsisimula pa lang sa showbiz

Napanood na namin ang movie at iisa ang reaksyon ng lahat ng nasa premiere night nito na ginanap sa SM Megamall Cinema 8, ibang klase talaga si Barbie — kering-keri niya ang magpakilig, magpaiyak at magpatawa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Dalang-dala niya siyempre ang leading man niyang si David na wala pa ring kupas ang kaguwapuhan at galing sa pagpapakilig ng mga girlalu at mga bekibels.

Pak na pak din si Barbie sa karakter niya sa pelikula bilang love coach na mai-in love sa kliyente niyang si Mr. Perfect played by David. Kaya naman sa guesting niya sa “Fast Talk with Boy Abunda”, sumabak siya sa isang challenge.

Bilang si “Mila” na karakter niya sa “That Kind of Love,” tinanong siya ni Tito Boy kung ano ang maipapayo niya sa mga friends niya sa showbiz, tulad nina Alden Richards, Sanya Lopez at Kyline Alcantara .

Unang binigyan ni Mila ng advice si Sanya na certified no boyfriend since birth o NBSB. Sister ng dyowa niyang si Jak Roberto ang aktres.

Baka Bet Mo: Kyline mas matapang na sa 2024: Hindi po ako magpapaapak, lalaban ako!

“Huwag kang masyado ma-pressure to find the right guy right away. Sabi nga nila you’ll meet three kinds of love in your life.

“The first one, you’ll feel all the butterflies in your stomach. ‘Yung second love will teach you all the lessons you need to learn. And then the third one is the love na magpaparamdam sa ‘yo, how love should feel like,” pahayag ni Barbie.

“Just dive in, paano mo malalaman kung hindi mo susubukan, kung marami ka masyadong requirements agad-agad? Just try,” dagdag pa ni Barbie na umaming napagdaanan na niya ang tatlong klase ng pag-ibig na kanyang binanggit.

Payo naman ni “Mila” kay Alden, “Make time for yourself. Be more social outside of work, and just have fun.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by KTO – Manila Office (@ktomanila)


Paalala niya kay Kyline Alcantara, hinay-hinay muna sa pag-ibig, “Remember that you’re still very young, you can always just have fun muna. Marami ka pa namang mae-experience rin.

“No need to commit agad-agad, not that I’m saying na you should put yourself out there agad-agad. Huwag mo lang i-pressure ang sarili mo na talagang 100 percent doon sa relationship. Get to know the person first. Have fun. Bata pa,” hirit ni Barbie.

Patungkol naman kay Julie Anne San Jose, nanawagan si “Mila” parents ng Kapuso TV host-singer at aktres na payagan na ang anak na sumabak sa next level ng relasyon nito kay Rayver Cruz.

“I-ano mo na ‘yan…actually more than Julie, tita, tito (mga magulang ni Julie), puwede na ‘yan. Mature na ‘yang friend ko na ‘yan, puwede na ‘yan, let go. Responsible naman, mature naman na eh. And I’m very confident with Rayver. Aalagaan naman talaga si Julie,” aniya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by David Licauco (@davidlicauco)


At para sa kanyang screen partner na si David Licauco, “In any aspect of your life, whether be in business or relationship, or showbiz, I hope you won’t lose yourself.

“Hindi ka ma-rattle to juggle all those things. Kasi malalaking bagay ‘yung lahat sa buhay niya. Kailangan alam mo ang priorities mo, set your priorities straight.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“You can also discipline the relationship, since you’re the man in the relationship, you can discipline it, and even your partner siguro, mas matuturuan mo siya nang maayos para mas mag-work ‘yung relationship,” aniya pa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending