Ama ni Cianne nanggigil sa nagpapaalis sa anak sa 'It's Showtime'

Ama ni Cianne nanggigil sa basher na pinapaalis ang anak sa ‘It’s Showtime’

Pauline del Rosario |April 13,2024
facebook
share this

Ama ni Cianne nanggigil sa basher na pinapaalis ang anak sa ‘It’s Showtime’

Pauline del Rosario - April 13, 2024 - 10:12 AM

Ama ni Cianne nanggigil sa basher na pinapaalis ang anak sa 'It's Showtime'

Johng Florendo, Cianne Dominguez

KAHIT may pinagdadaanan ngayon ang “It’s Showtime” host na si Cianne Dominguez, hindi pa rin talaga mapipigilan ang mga epal na bashers at haters.

Sa Facebook, ibinandera ng ama ni Cianne na si Johng Florendo ang screenshot ng mensahe ng isang netizen na nagpahayag ng masasakit na salita.

Ang sinabi kasi nito, hindi deserving at walang ambag sa noontime show ang kanyang anak kaya dapat umalis na ito sa programa.

“DAPAT UMALIS NA YAN ANAK MO SA SHOWTIME TANDAAN MO HND SYA DESERVING SA SHOWTIME HND DIN XA GRAND WINNER WALA XA AMBAG SA SHOWTIME REALTALK!!! [emojis],” mababasa sa ipinadalang chat ng basher kay Johng.

Baka Bet Mo: BF ni Cianne Dominguez nagbanta sa gay bar dancer: ‘An eye for an eye’

Sa caption, wala nang masyadong sinabi ang ama ng TV host, pero ramdam ang gigil at inis niya sa nag-send ng message.

Sambit niya, “‘Di talaga nawawala sa eksena mga ganitong tao [face with symbols on mouth emoji].”

Sa comment section, maraming netizens ang nagpaabot ng suporta kay Johng at sa kanyang anak.

Karamihan sa kanila ang sinasabi ay baka naiinggit lang ang basher kay Cianne kaya nakapagsalita ito ng masama.

Narito ang ilan sa mga nabasa namin:

“Hahaha ganun talaga sa mundo kuya Jhong maraming inggitero…laban lang hehehe”

“Apaka naman nyan kuya jong kulang sa aruga yan kaya ganyan utak [laughing emoji]”

“Happy nalang sana tayo sa mga blessings ng kapwa natin, wag na patulan mga ganyan tao kuya”

“Ganyan talaga sir kapag kulang sa pansin”

“Inggit po yan pag ganyan…don’t mind”

Bago ang post na ‘yan ni Johng, nag-trending sa social media ang kanyang balita patungkol sa anak na muntik nang gahasain ng isang gay bar dancer na si Shervey S. Torno, a.k.a. Ronnie Gray.

Kwento niya, sinundan ng suspek si Cianne sa tinitirhang condo nito at nang makapasok sa unit ang anak ay pinigilan daw ng lalaki ang pagsara ng pinto at pilit siyang hinalikan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Dahil sa insidente, na-trauma raw ang kanyang anak.

Samantala, kasalukuyan nang nakakulong ang rapist umano at nahaharap na sa patong-patong na mga kaso.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending