Resbak ni Sharon sa namba-bash sa kanila ni KC: 'Huwag kayong magdunung-dunungan...hindi ko sisiraan ang anak ko' | Bandera

Resbak ni Sharon sa namba-bash sa kanila ni KC: ‘Huwag kayong magdunung-dunungan…hindi ko sisiraan ang anak ko’

Ervin Santiago |September 21,2023
facebook
share this

Resbak ni Sharon sa namba-bash sa kanila ni KC: ‘Huwag kayong magdunung-dunungan…hindi ko sisiraan ang anak ko’

Ervin Santiago - September 21, 2023 - 06:51 AM

Resbak ni Sharon sa namba-bash sa kanila ni KC: 'Huwag kayong magdunung-dunungan...hindi ko sisiraan ang anak ko'

Sharon Cuneta at KC Concepcion

UMAPELA si Megastar Sharon Cuneta sa mga bashers at haters na walang ginawa kundi makialam sa mga kaganapan sa kanilang pamilya.

Ayon kay Ate Shawie, huwag daw “magdunung-dunungan” ang mga epal na netizens dahil hindi naman nila alam kung ano ang tunay na mga nangyayari sa loob ng kanilang bahay.

Sinagot ni Mega ang isyu tungkol sa pag-unfollow ng anak niyang si KC Concepcion sa Instragram account ng kanyang asawang si dating Sen. Kiko Pangilinan at ng isa pa niyang anak na si Frankie.

Sa naganap na mediacon para sa reunion project nina Sharon at Gabby Concepcion na “Dear Heart The Concert” ay mahinahon pero kumakagat ang naging pahayag ng Megastar sa mga pakialamerang haters.

“‘Yung mga namba-bash sa amin na, ‘yung mga, siguro gustong maging nanay ni KC, o ‘yung mga troll lang na walang magawa, o fans ng iba o fans niya na hindi nakakaintindi, huwag kayong magdunung-dunungan.

“Kasi ang showbiz, trabaho namin, hindi kami showbiz na pamilya. Pag-uwi we are very decent and private and some things have to stay within the family.

“So you cannot expect me na siraan ko ang anak ko. I will never do that,” paliwanag ni Sharon.

Sey pa ni Mega, kahit magkamali at makagawa ng kasalanan, tatanggapin pa rin niya ang mga anak.

Baka Bet Mo: Bwelta ni Gigi de Lana sa nagsabing ‘pumangit ka’ dahil sa short hair: ‘Guys, kahit magpakalbo ako wala tayong magagawa’

“Lahat ng tao nagkakamali. As long as an apology is sincere and you take accountability for it, whatever it is, this is for all my children, I will always forgive, and I would always embrace you with open arms,” pahayag ng TV at movie icon.

Inamin naman ni Mega na nasaktan siya sa pag-unfollow ni KC sa IG nina Kiko at Frankie, “And it hurt me, siyempre noong nag-unfollow-unfollow, pero pamilya kami. This is a family matter.”

Pero ipinagdiinan niya na pantay-pantay ang pagmamahal at pagtingin niya sa lahat ng kanyang mga anak, “I am a mother first. I love KC very, very much. I would die for her, for Frankie, for Miel and Miguel, if I had too.

“Silang apat lang ang papayag akong mamatay [ako na lang] kaysa sa kanila,” ani Shawie.

Herlene tinawag na ‘Budol Queen’ ng netizen dahil sa bagong itsura, nagparetoke nga ba?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pokwang muling pinatutsadahan si Lee O’Brian, bashers sinupalpal na naman: ‘Because haters are mga inggeters!’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending