Pokwang muling pinatutsadahan si Lee O’Brian, bashers sinupalpal na naman: 'Because haters are mga inggeters!' | Bandera

Pokwang muling pinatutsadahan si Lee O’Brian, bashers sinupalpal na naman: ‘Because haters are mga inggeters!’

Ervin Santiago |April 30,2023
facebook
share this

Pokwang muling pinatutsadahan si Lee O’Brian, bashers sinupalpal na naman: ‘Because haters are mga inggeters!’

Ervin Santiago - April 30, 2023 - 07:12 AM

Pokwang muling pinatutsadahan si Lee O’Brian, bashers sinupalpal na naman: 'Because haters are mga inggeters!'

Pokwang at Malia

TILA may patutsada na naman ang Kapuso comedienne at TV host na si Pokwang sa kanyang ex-partner at American actor na si Lee O’Brian.

Hugot na hugot ang naging sagot ni Pokey sa isang netizen na nagkomento sa kanyang Instagram video last Thursday, April 27, na kuha sa labas ng GMA Studios.

“Strike a pose (heart emoji),” ang maikling caption na inilagay Pokwang sa kanyang IG post habang nasa taping ng kanyang programa sa GMA 7 na “TiktoClock.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Marietta Subong (@itspokwang27)


May isang netizen ang nag-iwan ng mensahe para sa komedyante at nagsabing matagal na siyang humahanga sa katapangan ni Pokey kahit hindi raw ito single mom.

“Nice Ms. Pokee!! Yan ba Ang iyong signature ‘Pokee walk?’ Pak! Pak! Pak! (fire, clapping hands emojis).

“I admire you po for your strength as a single mom. I’m not a single mom, Pero saludo po ako sa katapangan mo. God bless you po. (praying hands emojis),” ang papuri ng nasabing IG user kay Pokwang.

Baka Bet Mo: Pokwang laban kung laban sa ‘legal battle’ kontra Lee O’Brian: Hindi ako susuko para sa ’yo anak…

Ang tila may lamang sagot naman sa kanya ng komedyana, “Pilipina tayo at bansa natin to wag magpapatalo sa dayo hahahhahaha!”

Reaksyon naman ang netizen sa sinabi ni Pokey, “@itspokwang27 I agree po. Lalo na if yung dayo eh hindi maganda Ang pagtrato sa atin. Di ba po?? Hahaha!!”

Hirit uli ni Pokwang, “Tamaaaaaa (clapping hands emojis).”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Marietta Subong (@itspokwang27)


Kasunod nito, muling binanatan ni Pokwang ang mga bashers matapos mabasa ang comment ng sa isa pang netizen na nag-dialogue ng, “Gonda, mamang! Sige! Laban sa haters!”

Sagot ni Pokwang, “Because haters are mga inggeters! (laughing in tears emoji).”

Mula noong makipaghiwalay si Pokwang kay Lee ay talagang binabanatan niya ang dating live-in partner at tatay ng kanyang anak na si Malia. Ibinuking niya na may ibang babae na ngayon ang American actor.

Lantaran din niyang sinabi na mula noong magsama sila at ipanganak si Malia ay wala siyang natanggap na sustento mula kay Lee, palamunin at patabaing biik lang daw niya ito.

Last month, nabanggit din ng komedyana na inaayos na niya ang mga legal na dokumento para matanggal na ang apelyido ni Malia na “O’Brian” at isunod na ito sa kanyang surname na “Subong.”

#TrueBa: Panganay na anak ni Pokwang na si Ria Mae, buntis nga ba?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Waitress kumandong kay Lee O’Brian, hirit ni Pokwang: Sa wakas natagpuan na niya ang pangarap niyang babae!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending