Pokwang pinadalhan ng bulaklak, may bagong pag-ibig na ba? | Bandera

Pokwang pinadalhan ng bulaklak, may bagong pag-ibig na ba?

Therese Arceo - April 21, 2023 - 05:57 PM

Pokwang pinadalhan ng bulaklak, may bagong pag-ibig na ba?

MAY bago na nga bang nagpapatibok sa puso ng Kapuso actress-comedienne na si Pokwang?

Marami ang curious kung may natagpuan na ba itong bagong pag-ibig matapos niyang ibandera sa kanyang Instagram stories ang natanggap na isang box na punung-puno ng red roses.

Tila nagulat naman si Pokwang at hindi inaasahang makatanggap ng mga magagandang bulaklak.

“Luh [inlove emojis] thank you…” sey niya.

Wala namang binaggit si Pokwang kung sino ba ang nahpadala sa kanya ng red roses ngunit isa lang ang sigurado, mukhang hindi ito galing sa dating karelasyon na si Lee O’ Brian.

Isa ang komedyana sa mga lubos na pinag-uusapang artista ngayong taon matapos niyang aminin ang katotohanan ukol sa tunay na rason ng paghihiwalay nila ni Lee.

Baka Bet Mo: Pokwang tinawag na ‘ingratong Kano’ si Lee O’Brian: ‘Ang magbigay ng project diyan ay tagasuporta ng mga inutil na ama!’

November 2021 pa nang maghiwalay ang dalawa ngunit pumutok lang ang chikang ito noong 2022 matapos mapansin ng mga netizens ang pagpapalit ng brand name ng kanyang ibinibentang gourmet products.

Una ngang kinumpirma ni Ogie Diaz na totoo ang mga balita ukol sa pagtatapos ng relasyon nina Pokwang at Lee at sinabing maayos ang dalawa para na rin sa kapakanan ng kanilang anak na si Malia.

Ngunit tila napuno na ang Kapuso star sa ginagawa ni Lee at inilabas na ang katothanan matapos ang matagal na pagtitiis at paghihintay na mabuo pa rin kanilang pamilya.

Sa naging interview ni Pokwang sa “Fast Talk With Boy Abunda” ay ibinahagi nito na pakiramdam niya ay hindi siya minahal ng dating partner.

“Sabi ko, siguro mas mabuti muna yung maglayo muna kami… But still, as a mom, wala pong mga nanay na mangangarap na tuluyang mawasak ang pamilya.

“Kung alam lang nila, gabi-gabi kong ipinagdarasal, ‘Babalik ka. Babalik ka. Ayusin mo ito.’ Sabi ko, one day, mag-aayos kami. Lulunukin niya ang pride niya. Yun ang ipinagdarasal ko talaga. Gabi-gabi akong umiiyak,” lahad ni Pokwang.

Dagdag pa niya, “Feeling ko, hindi niya ako minahal talaga. Feeling ko, hindi niya ako minahal. Nagkaanak lang kami pero feeling ko dahil nandiyan na ‘yan.”

Sa ngayon ay idinadaan na ni Pokwang sa legal na proseso ang mga dapat nilang ayusin sa pagitan nila mula sa kanilang naging negosyo hanggang sa mga dapat pagkasunduan para sa anak nilang si Malia.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Pokwang tinawag na ‘unggoy’, never pinagtanggol ni Lee O’Brian

Pokwang nainsulto daw sa bagong babaeng nilalandi ni Lee O’Brian, hirit ni Ogie Diaz: Baka feeling niya ‘sana mas maganda-ganda naman sa akin’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending