Pokwang laban kung laban sa ‘legal battle’ kontra Lee O’Brian: Hindi ako susuko para sa ’yo anak… | Bandera

Pokwang laban kung laban sa ‘legal battle’ kontra Lee O’Brian: Hindi ako susuko para sa ’yo anak…

Pauline del Rosario |March 30,2023
facebook
share this

Pokwang laban kung laban sa ‘legal battle’ kontra Lee O’Brian: Hindi ako susuko para sa ’yo anak…

Pauline del Rosario - March 30, 2023 - 02:06 PM
Pokwang laban kung laban sa ‘legal battle’ kontra Lee O’Brian: Hindi ako susuko para sa ’yo anak…

PALABAN talaga ang comedienne-actress na si Pokwang!

Alang-alang para sa kanyang mga anak ay kumuha na siya ng high-profile na abogado upang mapaghandaan ang “legal battle” laban sa estranged partner na si Lee O’Brian.

Sa Instagram, ibinandera ng komedyana ang kanyang pagpunta sa Calinisan Domingo and Beron law offices na kung saan ay nagsisilbing founding partner ang public interest lawyer na si Ralph Calinisan.

Para sa kaalaman ng marami, ang abogado ay ang boyfriend ng aktres na si Dawn Chang na nakilala ni Pokwang noong 2022 presidential campaign ng dating Vice President na si Leni Robredo.

Wala pang idinetalye si Pokwang kung ano ang ikakaso sa dating boyfriend, pero ito ay para sa kustodiya at child support ng kanilang anak na si Malia.

Pangako pa ng aktres sa kanyang anak, “Hindi ako susuko para sayo anak @malia_obrian.”

“Kung naitaguyod ko si ate ng mag-isa, mas lalo ako magsisipag at magiging matapang para sayo at sa inyo ng ate mo [kissing emoji].”

Baka Bet Mo: Lolit Solis kay Pokwang: Ang cheap ng dating ng sinasabi niya sa ex-partner…para bang hinahabol pa

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Marietta Subong (@itspokwang27)

Matatandaang noong March 2 ay nabanggit ni Pokwang na inaayos na niya ang mga legal papers para tanggalin ang apelyido ni Malia na “O’Brian” at gawin na itong “Subong.”

Kung maaalala, isa sa mga rason kaya niya hiniwalayan at pinalayas ang dating partner dahil anim na taon na itong naging palamunin at walang ibinibigay na child support para sa anak nila.

Nakwento pa niya sa programang “Fast Talk with Boy Abunda” na marami siyang binigay na tsansa kay Lee upang ayusin ang kanilang samahan para sa kanilang anak at umabot pa nga raw sa puntong nagawa niyang magsinungaling sa publiko.

“Mahal ko [pa siya]. Sa totoo lang mahal ko siya kaya ko nga nagawang magsinungaling e, pagtakpan ko siya dahil umaasa akong magkakabalikan pa kami,” pag-amin ni Pokwang.

Inamin ni Pokwang na siya na mismo ang nagpaalis kay Lee sa kanilang pamamahay dahil sa tingin niya ay mas mabuti na ito kaysa makita sila ni Malia na nag-aaway at nagsisigawan.

Related Chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Jennica na-insecure sa skin, nagtatago sa portable toilet: It was an everyday battle…

Jessy Mendiola may pangako kay Luis Manzano: I will be there to fight your battles for you

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending