Hirit ni Pokwang: Dahil ang mga haters ay inggitero't inggitera, lalo ko silang iinisin! Ha-hahahaha!' | Bandera

Hirit ni Pokwang: Dahil ang mga haters ay inggitero’t inggitera, lalo ko silang iinisin! Ha-hahahaha!’

Ervin Santiago |March 28,2023
facebook
share this

Hirit ni Pokwang: Dahil ang mga haters ay inggitero’t inggitera, lalo ko silang iinisin! Ha-hahahaha!’

Ervin Santiago - March 28, 2023 - 06:43 AM

Hirit ni Pokwang: Dahil ang mga haters ay inggitero't inggitera, lalo ko silang iinisin! Ha-hahahaha!'

Pokwang

“MARAMING hugot kasi maraming ginawang mali sa akin,” ang pahayag ng Kapuso comedienne na si Pokwang patungkol sa patuloy na panglalaglag niya sa ex-partner na si Lee O’Brian.

Naglaan ng panahon ang komedyana sa pakikipagpalitan ng mensahe sa  kanyang mga social media followers sa kabila ng pagiging busy nito sa kanyang concert sa Amerika kasama si K Brosas.

Nagbahagi si Pokey ng throwback photo  sa Instagram nitong Sabado, March 25, na may caption na, “Apparently, they call you difficult when you set your boundaries and respect your self, but I think its a beautiful compliment, so keep difficult! You’re doing awesome (winking face emoji).”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Marietta Subong (@itspokwang27)


Sa dulo ng caption ay may nakalagay na “#cto” o “credit to owner”.

Sa comments section ay may nagsabing, “All I can say is hanga ako sayo sa tibay mo ano man ang ibato sayo. Keep slaying at mapapagod rin sila sa ka babato sayo.”

Sinagot naman siya ni Pokwang ng, “Dahil ang haters ay mga inggitero inggitera hahahaaha at lalo ko sila iinisin hahahahaha!”

Reply ng nasabing netizen, “Exactly meron ka na wala sila, kaya ingit na ingit sila sayo.”

Baka Bet Mo: Resbak ni Bea sa nagsabing ‘kulubot ka na’ para sa bago niyang project: Proud ako sa itsura ko at 34 years old!

Muling nagkomento dito ang komedyana, “At sabi ko nga noon pa man, iniipon ko mga binabato nila gagawin kong tuntungan para maabot ko mga pangarap ko.

“Di lang para sa sarili ko kundi para sa mga anak ko kaya nagpapasalamat parin ako sa mga bashers nayan sa isang banda hahahaha!” aniya pa.

Sey pa ng isa pa niyang IG follower, “Hugot pa more (okay hand sign emoji).” Na nireplayan ni Pokey ng, “Ganon talaga maraming hugot kasi maraming ginawang mali sakin e hahahaha.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Marietta Subong (@itspokwang27)


Isa pang IG user ang nagsabing sana raw ay bumuti na ang pakiramdam at matahimik na ang isip ni Pokwang matapos silang maghiwalay ni Lee O’Brian.

Sabi ng netizen, “I hope you doing well.” Sagot sa kanya ni Pokey, “@lavalleeteresita almost (heart emoji).”

Dalawang taon nang hiwalay sina Pokwang at Lee, ngunit nalaman lang ito ng publiko noong July, 2022. Nito lamang nagdaang February nang ibuking ni Pokwang na may ibang babae na ang Amerikanong aktor.

Nitong mga nagdaang linggo ay sunud-sunod ang paglalabas ni Pokwang ng sama ng loob dahil sa mga ginawa sa kanya ni Lee. Bukod sa niloko na siya ay hindi rin daw ito kailanman nagbigay ng sustento sa anak nilang si Malia.

Sabi pa niya, hindi niya tatantanan ang aktor hangga’t hindi ito nagso-sorry sa kanyang mga anak na sina Mae Subong at Malia.

Nauna rito, tinawag pa niyang “batugan” at “user” ang dating dyowa. Sinabi rin niya na kaya raw blooming siya ngayon ay dahil wala na siyang pinalalamong “patabaing biik”.

Pokwang hindi basta-basta magpapatalo: ‘Bangon! Nanay ka at marami kang labada…para sa ikauunlad ng pamilya! Laban!’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pokwang mas naging fresh nang hiwalayan si Lee O’Brian: ‘Wala na kasi akong patabaing biik!’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending