Malditang female celebrity nag-inarte sa taping, nakatikim ng bagsik ni direk
MAHILIG ang mga Pinoy sa pulung-pulong sa kaunlaran kung tawagin nila. ‘Yun ang pag-uumpukan, pagtsitsikahan tungkol sa kung anu-anong isyu, mga kilalang personalidad ang bumibida sa kanilang mga chikahan.
Ang naging paksa sa kanilang umpukan isang gabi ay ang malditang aktres na lahat na lang ng kaartehan ay naipalutang na sa linya ng kanyang trabaho.
Kuwento ng aming source, “Hindi lang siya basta maldita, matigas pa ang ulo ng babaeng ‘yun, saka mahilig siyang magdunung-dunungan! Parang alam niya ang lahat, pero saan ka, bobita to the highest degree ang girl na ‘yun!
“One time, nakalimutan niya ang tsinelas na gagamitin pa niya sa isang eksena. Malayo ang taping nila, ilang oras ang biyahe, kaya nagalit ang production kung bakit iniwanan nila ng PA niya ang black slippers na meron pang karugtong na eksena that day.
“Ang ginawa ng girl, kumuha siya ng black pentel pen. Kinulayan niya ng black ang tsinelas niya para magmukhang hindi ibang tsinelas ang suot niya sa kukunang eksena.
“Nagalit si direk, pero kailangan nang isara ang sequence, hindi na lang niya masyadong kinunan ng long shot ang girl para hindi mapansin ang suot niyang slippers.
“Ganu’n katigas ang ulo niya, hindi nga siya marunong mag-sorry kapag nagkakamali siya. Sabi na lang ni direk pagkatapos ng take, ‘Bago mag-inarte, itsek muna ang mga stuff na may continuity.’
“Naloka siya. Alam na alam kasi ni direk ang kamalditahan at kaartehan niya. Wala siyang kasundo sa set, feelinggera kasi siya. Ang akala siguro niya, e, siya na ang pinakamaganda at seksing aktres ngayon, kaloka siya!
“Bradly Guevarra, sampalin mo nga ng double V ang babaeng ‘yan! Para magising man lang siya sa katotohanan na wala siyang karapatang magmaldita at mag-inarte!” pagtatapos ng aming source.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.