BF ni Cianne Dominguez nagbanta sa gay bar dancer

BF ni Cianne Dominguez nagbanta sa gay bar dancer: ‘An eye for an eye’

Pauline del Rosario - April 13, 2024 - 08:28 AM

BF ni Cianne Dominguez nagbanta sa gay bar dancer: 'An eye for an eye'

Kai Suzon, Cianne Domingiez

*Trigger warning: Naglalaman ng sexual harassment at attempted rape

RAMDAM ang galit at pagkabahala ni Kai Suzon, ang boyfriend ng “It’s Showtime” host na si Cianne Dominguez, matapos malaman ang tangkang panggagahasa sa kanyang girlfriend.

Ang saloobin ni Kai ay mababasa sa kanyang Instagram Stories, ngunit nang i-check namin ang kanyang account ay wala na ito.

Marami ang nakapag-screenshot sa nasabing post, kaya lalong naging usap-usapan sa social media ang nakakatakot na pangyayari sa dalaga.

Laking pasasalamat ni Kai na lumaban at walang nangyaring masama sa kanyang nobya.

Baka Bet Mo: Showtime host Cianne Dominguez tinangkang halayin ng gay bar dancer

“No one should ever have to endure or face the threat of sexual assault. Good thing my Cianne fought back and nothing serious happened [folded hands emoji],” sey niya sa buradong post.

Mensahe pa niya, “To everyone who experienced sexual assault before, know that you are not alone and fighting back is always important!”

Sa huli ay mukhang nagbanta siya sa suspek at rapist umano na si Shervey S. Torno, a.k.a. Ronnie Gray.

“To the guy who sexually assaulted (Shervey Torno), you’re getting what’s coming to you and I will see you soon. An eye for an eye. I’ll do whatever I can in my power if I have to if it means protecting the ones that I love,” sambit ng binata.

April 11 ng gabi nang mag-post sa Facebook ang ama ng TV host na si John Florendo at ibinunyag niya na na-trauma ang kanyang anak sa nangyari.

Kwento niya, sinundan si Cianne ng suspek sa tinitirhang condo nito at nang makapasok sa unit ang anak ay pinigilan daw ng lalaki ang pagsara ng pinto at pilit siyang hinalikan.

“Tonight, my family were bothered to what happened to my daughter Cianne Dominguez. She was attemptedly raped by this guy named Shervey S. Torno. A gay bar dancer and performer,” ang panimulang pagbabahagi ng bodybuilder sa Facebook.

“Short story is, the suspect followed my daughter to her condo, forcibly preventing the door to be closed and held her waist forcing to kissed her,” patuloy pa niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kasalukuyang nakakulong sa Quezon City Police District 10 ang suspek at nahaharap sa patung-patong na kaso.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending