DENR magsasampa ng kaso laban sa vloggers ng viral ‘tarsier video’
IKAKASA na ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang pagsampa ng kaso laban sa dalawang vloggers na nasa likod ng pangalang “Farm Boy.”
Ito ay dahil sa “improper treatment” o hindi magandang pagtrato sa Philippine Tarsiers na nasa Polomolok, South Cotabato.
“Ongoing po ang preparation ng documents for the filing of criminal charges. Kung kakayanin ay mafa-file siya within today,” sey ng DENR Region 12 Enforcement Division sa INQUIRER sa isang phone noong April 11.
Dagdag pa ng ahensya, “’Yun po ang tinatapos namin ngayon. Ngayon mismo.”
Baka Bet Mo: VP Sara ‘di na pinarusahan ang viral teacher na nanigaw ng mga estudyante
Ayon sa DENR, ang content creators ay mahaharap sa mga kasong paglabag sa Republic Act 11038 relative to RA 9147 o Wildlife Resources Conservation and Protection Act.
Sa viral video ng Farm Boy, makikita na hawak nila ang tarsiers habang tumatawa.
Mapapanood din na tila pilit nilang ipinapakita na nakangiti ang nasabing species sa video.
Noong April 10, nauna nang ipinaalam ng DENR sa publiko na sinimulan na nilang imbestigahan ang pangyayari.
Nadiskubre nila na ang dalawang tarsier na tampok sa viral video ay pinakawalan ng mga vlogger.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.