Pamilya nina Juday at Sharon bonding sa lafang: Magkakasama habangbuhay!
TUWANG-TUWA si Megastar Sharon Cuneta nang muling maka-bonding ang isa sa kanyang mga BFF sa showbiz na si Judy Ann Santos.
Parang tunay na kapatid na ang turing ni Ate Shawie sa Soap Opera Queen kaya kahit hindi sila madalas na magkita at magkasama ay hindi naman nawawala ang kanilang komunikasyon.
Baka Bet Mo: Juday sa pagiging host ng ‘Magandang Buhay’: Nakakaloka! Kinakabahan ako, ano ba yan?!
Kaya naman kapag nagkaroon ng chance ay talagang nag-e-effort sina Sharon at Judy Ann para magkasama at magkachikahan nang bonggang-bongga.
View this post on Instagram
Nito ngang nakaraang araw, ay muling nagkita ang mag-sisters base na rin sa mga ipinost na litrato ni Sharon sa kanyang Instagram account.
Kasama rin ng TV and movie icon ang kanyang asawang si former Sen. Kiko Pangilinan pati na ang kanilang mga anak.
In fairness, malapit din sa isa’t isa ang mga dyunakis nina Juday at Sharon at parang magkakapatid na rin ang kanilang turingan.
“Magkakasama habangbuhay! Nagluto si sis daig pa restaurant! Sarili namin ang Judy Ann’s Kitchen ngayong gabi!
Baka Bet Mo: Judy Ann Santos tigil muna sa cooking vlogs dahil sa pagtaas ng bilihin: Ayokong hindi maka-relate ‘yung viewers
“Mga anak namin naglalaro sa taas. (red heart emojis) @officialjuday @ryan_agoncillo,” ang caption ni Mega sa kanyang IG post.
Komento naman ni Ryan sa post ni Shawie, “I hope you enjoy you Chiang Mai Sausage! Mamaya titirahin ko na po yung Brazo Ate @reallysharoncuneta!”
Sa isang hiwalay na post ni Sharon ay makikitang kasama na nila ang kani-kanilang mga anak at mababasa sa caption ang, “Dinner at the Agoncillos’! Sisters til kabilang buhay! Pati mga anak namin parang magkakapatid na!”
View this post on Instagram
Sandamakmak na reaksyon naman ang nabasa namin sa comments section ng post ni Ate Shawie.
“Wow double date enjoy with your partner my mega & juday.”
“Ang galing po ni Juday parang Thai dishes yong iba diyan.”
“Forever magkakasama #Pangilinans #Agoncillos.”
“So happy for you Ate @reallysharoncuneta you get to go out. Matching color pa kayo ni SenKiks.”
“God bless your friendship @officialjuday , @ryan_agoncillo @reallysharoncuneta @kiko.pangilinan . Ang saya nyong tingnan parang double date Ng magjowa.”
“Happy to see u Mami with my fave actress na kinabaliwan ko din noon with Wowie haha…@officialjuday …happy to see u Ms.Judy Ann with ur loving husband…Nice bonding too with Mami Mega’s family.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.