Sharon Cuneta: Kahit gaano ka kayaman… amounts to nothing
IBINAHAGI ng Megastar na si Sharon Cuneta ang kahalagahan ng pagiging healthy o malusog para maabot ang mga pangarap.
Nitong Miyerkules, February 28, nag-upload si Ate Shawie ng bagong vlog sa YouTube na pinamagatang “Mega’s Health Story”.
Kuwento ni Sharon, nagsimula ang kanyang desisyon na magpapayat ay dahil nais niyamg mabago ang kanyang buhay pati na rin kung paano niya dapat i-prioritize ang kanyang kalusugan.
“Sabi nga nila di ba, especially during COVID, that was such a wake uo call for all of us kasi it showed us the reality of the ild saying na ‘Health is wealth.’
“Kasi kahit nga naman ano ang pag-aari mo, kahit gaano ka kayaman, kahit gaano ka kaligaya sa buhay mo, kung hindi ok ang health mo or you don’t make if a priority, amounts to nothing,” saad ni Sharon.
Aniya, nagsimula ang kanyang desisyon na baguhin ang lifestyle noong tumuntong siya sa edad na 50.
Baka Bet Mo: Sharon Cuneta 1 buwan nang umiika-ika kaya hindi nakanood ng concert ni Pops
View this post on Instagram
“I wanted to create a better version of myself and that was exactly eight years ago… The sad truth is, all of us, can be on that list of people with comorbidities even if we try to live healthy,” ayon kay Sharon.
May mga pagkakataon pa rin daw na kahit sa tingin natin ay healthy tayo, may instances pa rin na maaari tayong magkasakit.
“So it’s no longer enough to be in good physical shape, to eat healthily, to be mentally healthy which is the new norm. We also need to be prepared in other certainties in life,” sey pa ni Sharon.
Ibinahagi rin niya ang kahalagahan ng pagkakaroon ng insurance sakaling tamaan ka ng sakit para may maaasahan ka at hindi maubos ang iyong savings sa pagpapagamot.
“Ang pinakamasakit kasi sa lahat, kapag tinamaan ka ng mga sakit, inaabot ng buwan o taon ang gamutan so palaki nang palaki ang gastos at pawala nang pawala ang savings mo… dahil wala kang back up plan,” hirit pa ni Sharon.
Mas masakit raw kapag umabot sa puntong nagbebenta ka na ng gamit o di kaya’y mangutang ma mas lalong nakakabaon.
Lately ay naging bukas si Sharon na may mga iniinda na rin siyang sakit sa katawan.
Sa katunayan, sumailalim siya sa Physical Therapy at Acupunture o Ventosa dahil sa sakit na nararamdaman.
Iyon rin ang naging dahilan kung bakit hirap sa paglalakad si Sharon na napansin ng madla nang dumalaw siya sa burol ng yumaong si Deo Endrinal.
“For every single day for longer than a whole month now, I have been in pain,” sabi ni Sharon sa kanyang IG post noong February 13.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.