Marian ikinumpara si Gabby sa lafang: Walang itulak-kabigin

Marian ikinumpara si Gabby sa lafang: Walang itulak-kabigin sa kanya!

Ervin Santiago |March 26,2024
facebook
share this

Marian ikinumpara si Gabby sa lafang: Walang itulak-kabigin sa kanya!

Ervin Santiago - March 26, 2024 - 06:10 AM

Marian ikinumpara si Gabby sa lafang: Walang itulak-kabigin sa kanya!

Gabby Concepcion, Marian Rivera at Raphael Landicho

PINALIGUAN ng positibong mga salita ni GMA Primetime Queen Marian Rivera ang isa sa Ultimate Leading Man sa Pilipinas na si Gabby Concepcion.

Sa wakas, natuloy na rin ang pinakaaabangang pagtatambal nina Marian at Gabby sa pinakabagong primetime series ng Kapuso Network na “My Guardian Alien.”

Magsisimula na itong umere simula sa April 1 sa GMA Prime pagkatapos ng “Black Rider” nina Ruru Madrid at Yassi Pressman.

Sa grand mediacon ng naturang teleserye nitong nagdaang Huwebes, March 21, natanong si Marian kung paano niya ilalarawan si Gabby bilang leading man.

Baka Bet Mo: Kiray may inamin sa mga natatakot at tumatawag ng maldita kay Marian

“Napakagaan katrabaho. Parang kumbaga sa pagkain, walang tulak kabigin sa kanya. Napakabait katrabaho, napakagaan katrabaho.

“At saka ‘yung mga moment namin, mahilig siyang mag-joke e. So ginagawa niyang light talaga ‘yung mga pagkakataon,” pahayag ng actress-TV host.

“Tapos may mga pagkakataon na na-appreciate ko siya na pinag-uusapan namin ‘yung mga buhay-buhay namin.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Kaya nga ang tanong kung mayroon ka man gustong isang cast sa inyo na gusto mong magpalit kayo for one day, sabi ko siya (Gabby).

“Kasi nakita ko kung gaano niya kamahal ‘yung pamilya niya and ‘yun na-appreciate ko sa kanya. Napakabuti niyang tao,” papuri pa ng wifey ni Dingdong Dantes kay Gabby.

Samantala, sabi ni Marian “perfect project” daw ang “My Guardian Alien” para sa kanya dahil puwede itong mapanood ng mga anak niyang sina Zia at Sixto Dantes.

Baka Bet Mo: Marian gaganap na alien; Bea, Carla, Gabbi paistaran sa ‘Widow’s War ng GMA

“Nu’ng pinresent sa akin ito bago pa kami mag-taping, ang ganda ng kwento. Sabi ko kasi, ngayon sa pagbabalik ko after four years, gusto kong gumawa ng isang soap na pwede kong ipapanood sa mga anak ko.

“So, parang ito ‘yung nakita kong perfect project na pwedeng panoorin ng mga anak ko kasi sa ngayon gusto kong gumawa ng mga proyekto na mapapanood nila, at the same time, ay masasabi kong talagang good project for me,”  aniya pa.

Iikot ang kuwento ng “My Guardian Alien” sa isang babaeng alien na nagngangalang “11-1-20-8-5-22-9-12-5” na gagampanan nga ni Marian. Mapapadpad siya sa planetang Earth matapos magkaroon ng accidental crash mula sa outer space.

Sa pagdating niya sa mundo ng mga tao, makikilala niya ang mag-amang Carlos (Gabby Concepcion) at Doy (Raphael Landicho) na nagluluksa sa pagkamatay ng kanilang ilaw ng tahanan na si Katherine.

Ang isa sa plot twist, kamukhang-kamukha ng alien si Katherine.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang “My Guardian Alien” ay mula sa direksyon ng award-winning director na si Zig Dulay at ka-join din dito sina Max Collins, Gabby Eigenmann, Arnold Reyes, Tanya Gomez, Caitlyn Stave, Josh Ford, Sean Lucas, Tart Carlos, Christian Antolin, Kirst Viray, at Marissa Delgado.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending